Kabanata 33

2.7K 105 30
                                    

Kabanata 33

Chances

Dinaluyan agad ako ng kaba dahil sa nabasa. Bakit pupunta rito si Spade? Anong pakay niya? I looked at the unknown number again. Hindi ba siya ito?

What's with the clock sound? Bakit may nakakuha ng number ko? The school is keeping our personal information. There's no way a random person could get my number.

At isa pa..

Iilan lang ang nakakaalam nitong personal number ko.

"Stacia." I heard a call from behind.

Nilingon ko si Yohan, ngumiti siya sa akin. "Oh? Mang-aasar ka nanaman?"

Umiling siya at nag offer ng Fudgee bar. Tinignan ko 'yon at kumunot agad ang noo ko. Weird.

"Para saan 'to? Suhol?"

"Wala ha! Natira lang sa baon ng anak ko! Ayaw niya ng ganyang flavor."

Kinuha ko 'yon. "Bakit naman? Favorite ko nga 'to, e."

"Kailangan ba parehas kayo ng favorite?"

Umirap ako. "Suhol mo lang 'to, e."

"Kainin mo na lang yan! Ikaw na nga yung binigyan.." May halong pagtatampo niyang boses.

Natawa ako. "Salamat! Kahit hindi ko alam kung para saan 'to."

Naupo kaming dalawa sa lobby. Mahangin ngayong January kaya talagang nililipad ang buhok ko. Yohan laughed because of it. Hindi ko kasi makain kain ang Fudgee bar dahil nahaharangan yung mukha ko.

"Musta kayo ni Spade?" Tanong niya.

This is the first time after our last talk last year that he asked about our relationship with Spade. I just shrugged my shoulders.

"Wala na kayo?" Nanlaki ang mata niya.

"OA! Kami pa rin.."

"Ah, okay. Akala ko.." Aniya at nagkamot ng ulo. "Hindi mo na kasi siya masyadong nakukwento."

"Ayoko lang kasi ikwento lahat sa amin. Gusto ko private lang relasyon namin ni Spade."

He sighed. "Grabe, ang galing kong match maker! Buti ikaw ang gusto ko kay Spade at hindi si Laurence!"

Hinampas ko ang balikat niya. "Tagal na niyan, ha! Pag may nakarinig sayo!"

He laughed.

Sa totoo lang hindi na ako nakakaramdam ng pagkailang kay Laurence. Sa tingin ko, ayos na siya sa akin at sa amin ni Spade. She seems more lively now. Mas gumanda nga. Siguro may nagugustuhan na rin na iba.

But I don't think the beauty of women is because of men. Kaya hindi rin ako sang-ayon na baka may iba nga? Siguro gusto niyang mag-ayos ng sarili para rin sa kanya.

"Masaya ka ba ngayon?" Tanong ni Yohan. He's looking far away.

"Oo naman, bakit?"

"Wala naman.." Mahina niyang sinabi.

Nagtaka ako dahil bakit biglang naiba ang mood niya? Napapikit si Yohan ng mariin.

"Bakit?" I probed more.

Dumilat siya at tumingin sa akin. Puno ng pagsisisi ang mata, kinabahan ako. Kahit kailan hindi naman naging ganito si Yohan. Kung may problema siya, hangga't kaya niya, ililihim niya. Kaya bakit ganito siya ngayon?

I was about to ask him again when I saw Spade entering the school.

Nakita siguro ni Yohan ang biglang pamimilog ng mata ko kaya sinundan niya ang tingin ko.

Beast Inside (Despicable Men Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon