Kabanata 32 (i didnt proofread)
Bad
I was quiet and didn't speak a word with Spade. Ganoon din naman siya. Pinoproseso ko pa ang mga nangyari kanina.
So Emi is his brother's girlfriend? Pero bakit ganon ang sagutan nila? Natutulog siya sa kwarto ni Spade? Gaano na ba sila katagal magkakilala?
Hindi na masyadong dumadalaw sa isip ko ang lalaking nakita ko kanina. Baka kasing katawan niya lang ang tito ko, and Spade confirmed that he's still inside the jail. Hindi rin naman pwedeng si Tyron 'yon.
Pero pwedeng...
No. Hindi. Bakit naman niya ako iisipan na balikan diba? Dumating na ba ang araw na dapat patayin niya ako? If that's the case then he should just go after me earlier pero hindi. Nakatayo lang siya at parang tinitignan ako.
And base with the car, talaga bang boyfriend ni Emi ang lalaking 'yon? Anyway, I don't want to think about that.
It's their own story to tell, not mine.
Nadinig ko ang pagtikhim ni Spade. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang nakakunot niyang noo sa daan.
"Matagal na ba kayong magkakilala?" Tanong ko. Para naman may mapag-usapan.
"Emi? Kinda.."
Kinda? Ibig sabihin, hindi pa gaanong matagal pero natutulog na sa kwarto niya? Tumingin ulit ako sa labas.
"Close kayo no?"
"Yeah." Tamad niyang sagot, "She's a sister to me."
Naniwala ako ron. Kahit naman may nilihim siya sa akin, Spade's been telling the truth about his girls and all. At hindi naman siguro siya papatol sa girlfriend ng kapatid niya?
I cleared my throat. "Hindi mo siya pinakilala noon."
"Hindi ko alam na dapat ko siya ipakilala. She's MIA the whole year. Ngayon ko lang siya nahanap."
Kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya. "Anong nangyari?"
Nagkibit ng balikat si Spade. Parang alam ko na ang sagot doon.
"You're good at finding people. I hope you won't mind that Aira's gonna be free soon. Hindi magsasampa ng kaso si Tita Flor.."
"Alam ko. It's fine with me. I'm sorry for the trouble.."
"Hindi ko rin alam kung bakit naniniwala akong wala talaga siyang kasalanan."
Naisip ko kung talaga bang ayoa lang yun sa kanya o hindi.
"I just want justice for Ysadelle." Ani Spade.
I want that too. But I am convinced that Aira is innocent. Kahit nilihim niya sa amin na siya ang huling kasama ni Ysa, kahit nakita niya kung paano namatay si Ysa. It was indeed a shocking truth to all of us. Hindi ko inaasahan 'yon pero... Aira's not a good liar at isa pa, gusto na ring matahimik ni Tita Flor.
At gusto ko na rin.
Spade parked his car near my house. Lumabas ako at ganoon din siya.
"Salamat."
He put his hands inside his pocket. Hinihintay na makapasok ako.
"No problem."
Nanatili akong nakatayo sa harap ni Spade at ganoon din siya na masuri akong tinitignan.
I want to be free.
"T-Tawag ka na lang sa akin... mamaya.."
I saw how his reaction changed. He was surprised and didn't expect that from me.
BINABASA MO ANG
Beast Inside (Despicable Men Series #2)
RomanceBeing ruled by her own demons and experiences, Alistacia Hermosa is having a hard time building herself. She is not your typical girl. With all the betrayals she experienced years ago, what if it will happen again? Will she win the fight once more...