Kabanata 29 (sorry for errors i did not proof read this)
Eagle
Hindi ko alam pero simula nung nakausap ko si Spade parang gumaan ang pakiramdam ko. Wala na akong masyadong iniisip at pakiramdam ko, napatawid na rin ako ni Ysadelle.
Kung galit man siya sa akin.
It's been two weeks. Pumapasok na ulit ako sa trabaho at naging tahimik ako tungkol sa relasyon namin ni Spade. I don't want people to gossip around my lovelife. Kahit si Yohan na malapit sa akin, wala masyadong ideya sa amin ni Spade.
Dahil nga umpisa pa lang ng klase, wala masyadong gawain at ang Valentine's ang pinaghahandaan ngayon ng mga admins. Iyong iba ay sa moving up ng juniors at graduation naman ng seniors.
Si Laurence, naging ayos na rin ang pakikitungo sa akin. Hindi ko na kailangan alalahanin pa na may taong hindi ako ka sundo tuwing papasok ako.
I put another flowers on her grave as I recall everything. Lagi akong nandito tuwing Linggo para kwentuhan siya.
"Pinuntahan ko kanina si Aira." Nilatag ko ang hinubad na jacket sa damo para maupo doon.
I am also trying to control myself. Hindi pa rin nawawala ang mga boses na nag-uutos sa akin. Pero sa tuwing naaalala ko ang galit na mukha ni Spade at marahil ito ring si Ysadelle, umaatras ako.
I want to change because I want to not because I have to.
"Pasensya ka na, pero siguro parang hindi naman niya kayang gawin yun sayo." Mahina kong sinabi.
Sa kabila ng lahat ng mga ginawa sa akin ni Aira, hindi ko talaga lubos maisip na magagawa niya 'yon kay Ysa. Aira's lawyer is working hard on her case. At pakiramdam ko mapapadali ang lahat dahil hindi na yata maghahain ng kaso si Tita Flor.
"Alam kong wala akong patunay doon pero nararamdaman ko kasi."
She's my first bestfriend after all. Bago dumating si Ysadelle, kami muna ni Aira.
"Bakit ka nandito?" Nagtaas ang kilay niya nang makita ako.
Kahit hindi niya ipakita, alam kong masaya siya kasi dinadalaw ko siya rito.
Ngumiti lang ako. "Kamusta?"
"Ayos lang." Hindi nakatakas ang mga mata ko sa mapanuring mata ni Aira. "Ikaw ang kamusta?"
"Balita ko malapit ka na lumaya.." I tried to change our subject.
"Bakit? ayaw mo? Hindi ka pa rin naniniwala?"
Hindi ko alam. Siya ang huling kasama ni Ysadelle, she let her die. Kahit anong anggulo may kinalaman siya, pero... Hindi rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Aira, ayaw na ni Ysadelle. Ayaw na raw niya.
Pero bakit nilihim sa amin ni Aira ito?!
"Masaya ako kasi mukhang uurong na ni Tita ang kaso." I bluntly said, ignoring her again. "Pero pag labas mo wala ka ng kaibigan."
Iyon ang natandaan ko sa pag-uusap namin. At first she was stunned for a moment. Halatang hindi inaasahan ang lumabas sa bibig ko. Kahit ako rin naman pero kung ipipilit ko na maging normal ulit, parang hindi na maganda.
It takes time. Lahat lahat. Kailangan ng tamang oras. Hindi pwedeng madaliin ang bagay na kailangan ng isang proseso.
"Sana masaya ka." I left a smile before leaving.
Alam kong hanggang ngayon may peklat pa rin sa sugat na tinamo sa akin ni Spade. Pero kahit na ganoon, gusto kong humakbang patungo sa kapatawaran. I want to take things slow. Para maintindihan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/175960198-288-k859001.jpg)
BINABASA MO ANG
Beast Inside (Despicable Men Series #2)
RomanceBeing ruled by her own demons and experiences, Alistacia Hermosa is having a hard time building herself. She is not your typical girl. With all the betrayals she experienced years ago, what if it will happen again? Will she win the fight once more...