I was awakened when I heard multiple knocks outside. Hindi ako naghahire ng maids o guards dito dahil wala rin namang silbe yun. I groaned because I will beat the hell out of that person. Sino ba kasi ang nanggugulo sa ganitong oras?
Napatingin ako sa phone nang biglang tumunog 'yon. Ngumuso ako nang makita ang pangalan na 'yon.
Maybe I know that nocturnal person knocking on my door.
Napailing na lang ako habang tinitignan ang mensahe niya.
Ysadelle:
Bubuksan mo o bubuksan mo?
Mariin akong napapikit. Gabi na, ah?! Gabing-gabi na! Ano ba ang gusto ng babaeng 'to?
Binilisan ko ang pagbaba dahil hindi matigil si Ysadelle sa pagkatok. Wala nga akong kapitbahay pero magigising ang mga alitaptap sa lakas ng katok ng babaeng 'yon!
Nabitin sa ere ang huli niyang katok nang marahas kong binuksan ang pinto.
She's wearing her pajamas. Saan ba galing 'to?
"Good eve, Spade.." She smiled awkwardly. "Pwede makitulog?"
I sighed "Go home." Sasarado ko na sana nang harangin niya bigla ang kanyang kamay.
"Aw!" She cried in pain.
Nag panic ako at mabilis siyang dinaluhan. Tangina naman.
"What the fuck? Are you okay?"
Hinawakan ko ang kamay ni Ysadelle at tinignan 'yon. Hindi naman namumula. I saw her smiling, napairap na lang ako dahil pinaglalaruan nanaman niya ako.
"Hindi ka naipit." I said coldly before letting go of her hand harshly.
"Aray ha! I'm your girlfriend, okay? Maging maginoo ka naman!"
Pagod ko siyang tinignan. Inaantok na ako nanggugulo pa ang isang 'to. "What do you want, Ysa?"
"I told you. I want to sleep here." She smiled proudly.
"No room for you. Masikip na. Umuwi ka na."
Muli niyang hinarang ang kamay niya. "What? Anong no room? Ikaw lang naman mag-isa nakatira diyan!"
Kumunot ang noo ko nang bigla siyang napapikit. Para bang bigla siyang nahilo pero bumalik din sa kabaliwan niya.
"O-Okay... Sige, hindi na ako mamimilit. Lakad na lang. Pwede?"
Hindi ko maintindihan. I don't remember Ysadelle being like this. Is there a problem? Wala naman masyadong tao rito sa subdivision at kahit gabing-gabi na, ayos lang na maglakad kami dahil kasama niya ako.
"I'll just change.."
"Huwag na!"
"Naka boxers lang ako, Ysa!"
Bumaba ang tingin niya roon at humagikhik ng kaonti. "Ayos lang!"
Nag-init ang ulo ko. Ang kulit. "Pumasok ka nga muna rito! Magbibihis lang ako!"
BINABASA MO ANG
Beast Inside (Despicable Men Series #2)
RomanceBeing ruled by her own demons and experiences, Alistacia Hermosa is having a hard time building herself. She is not your typical girl. With all the betrayals she experienced years ago, what if it will happen again? Will she win the fight once more...