Kabanata 20

2.9K 129 13
                                    

Kabanata 20

Meet

Spade parted his lips. Mukhang hindi pa rin makuha ang ipinupunto ko. I like how naive he was when it comes to this. First time niya lang bang sagutin? Mukhang hindi naman. Sa hitsura ni Spade mukhang siya ang nambabasted ng babae.

O di kaya masyado siyang nabibilisan sa akin? Kagabi lang kasi nung sinabi niyang manliligaw siya. Ayoko naman kasing patagalin pa 'yon dahil gusto ko relasyon ang pinapatagal!

I almost snapped a finger when he looked down and chuckled.

"May nakakatawa ba?" I asked, almost offended.

"Wala." Aniya, ngumuso para mapigilan ang ngiti.

Parang napahiya naman ako dito! Nag effort pa man din ako ng unique way kung paano siya sasagutin tapos tatawanan niya lang ako? Sana pala umuwi muna ako tapos tinext ko sa kanya na sinasagot ko na siya. Edi piso lang ang nawala sa akin?

"Ewan ko sayo!" Iritado kong sinabi at umalis.

Spade held my arms to stopped me. Nagtatampo akong tumingin sa kanya.

"Why are you walking away?"

"Para sayo ata biro lang yung ginawa ko, e. Bitawan mo ako, Spade!"

Kahit anong galaw ko sa braso ay nanatili ang hawak niya don. Nasisiyahan pa nga ata sa akto ko.

"Iiwan mo boyfriend mo dito?"

Natigil ako don. Boyfriend? Eh parang ayaw nga niya i acknowledge na sinasagot ko na siya.

"Huh?"

Spade cursed softly. His other hand found its way to my waist. Napasinghap ako nang maramdaman siya doon.

"Ang hilig mo namang umalis." Inilapit ako ni Spade sa kanya.

"N-Nang-aasar ka, e!" My mood changed when I remembered something. "Sabi mo kanina marami kang babae. Edi, marami talaga?"

Spade nose almost touches my neck. Napanguso ako at lumayo saglit sa kanya para marinig ang sagot.

"I don't want to lie about my past with girls." He said. Looking serious now. "Maraming nagkakagusto sa akin--"

"Edi marami ka talagang babae?"

"Hmm." Saglit siyang nag-isip. "I was just being polite. Sila itong nag-aassume."

Gusto ko siyang sampalin. Siguro over ang pagiging polite niya kaya nag-aassume! Or baka katulad lang din ng kay Laurence. Kaya kailangan talaga ng label muna bago mag-assume, e. Nakakasakit lang kasi.

"Babaero." I snickered.

Siya naman itong parang na offend sa sinabi ko. "I'm not like my brother, okay? There's a difference with being polite and being flirty."

Bakit parang si Ace ang tinutukoy niya? Kasi kinakausap ko kapatid niya? Bakit naman siya nagseselos doon?

"Nagseselos ka ba kay Ace?"

"Oo." Diretsyang sagot niya.

"Bakit naman? Kapatid mo naman yun!"

Halos irapan na ako ni Spade. "Bakit ba siya ang topic natin ngayon?"

"Ano ba gusto mong topic?"

"Tayo." He smiled.

I furrowed my brows. Sinubukan ko talagang magmukhang galit dahil kung hindi, lalawak ang ngiti ko sa kanya.

"Huwag ka na magselos kay Ace." Binaba ko ang tingin sa kamay niyang nakapulupot sa akin. "Ikaw naman ang boyfriend ko."

Napaigtad ako nang yakapin ako bigla ni Spade! Wala man lang pasabi ang isang 'to at mahigpit akong niyakap. He repeatedly kissed my hair while stroking it.

Beast Inside (Despicable Men Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon