Kabanata 22

2.6K 92 8
                                    

Kabanata 22

Bestfriend

"Ysadelle!" Galit akong pumunta sa bahay nila dahil hindi na raw ito nagpa admit sa hospital.

"Stacia? Ang aga pa, anak ha?" Si Tita Flor ang nagbukas ng pinto. Halatang may ginagawa ito at marahil nabulabog sa pagsigaw ko.

Napangiwi ako. Sabi kasi ni Ysa, siya lang mag-isa, e!

"U-Uh.. Sabi po ni Ysadelle nadischarged na raw po siya?" Nagbago bigla ang tono ng boses ko.

"Oo, anak. Ayaw na ni Ysadelle. Pinipilit ko nga dahil kailangan niyang mag chemo pero ayaw na niya."

Parang may kung ano ang nagpalambot sa puso ko nang makita ang malungkot na mukha ni Tita Flor. Nang namatay si Mama, siya na ang naging pangalawang ina ko. Ang bait bait niya sa akin kaya ngayong may kinakaharap sila, parang tagos din sa puso ko ang sakit.

"Ako po ang kakausap sa kanya, Tita." Determinadong sabi ko.

Tita Flor smiled but it did not reach her eyes. Alam kong pinipilit niyang magpakatatag kay Ysadelle. Gusto kong may gawin para naman maibsan ang nararamdaman ngayon ni Tita na lungkot.

Dumiretsyo ako sa kwarto ni Ysa. I knocked four times. Siya na mismo ang nagbukas non at bahagyang nagulat nang makita ako.

"Hindi ka nagsabi!" Aniya at hinila ako papasok. "Sira ka!"

"Ikaw ang sira! Bakit ka nagpa discharge?!"

Tinignan niya 'ko na para bang paulit-ulit na lang niyang naririnig 'yon. Ysadelle sat on her bed. Napansin kong kumakain ito ng junk food.

"Change topic na lang tayo, Stacia." Aniya at inalok ang chips sa akin.

"Stop doing that."

"Stach--"

"Ysa, naman! Huwag mong pahirapan ang mga tao sa paligid mo!"

I caught her off guard. Hindi agad nakapagsalita at parang prinoproseso pa ang sinabi ko. Nagpatuloy ako..

"Akala ko ba hindi mo kami iiwan?"

"Hindi ko kayo iiwan-"

"Eh bakit ganyan?" I know that I sound desperate. "Bakit ayaw mo na?"

Ysadelle blew out her cheeks.

"Ysadelle.."

"Ayokong mamatay na kalbo, Stacia." She said like it's some sort of a joke.

Muling lumukot ang mukha ko sa sinabi niya. This is hopeless! Tinalikuran ko na si Ysadelle at narinig ko agad ang kanyang protesta.

"Stacia, joke lang!" She stopped me.

Inis akong lumingon sa kanya. Ysadelle's now standing in front of me looking apologetic. Ngayon lang akong nagkaroon ng tiyansang matitigan ulit ang hitsura niya. Noong binanggit niya sa amin na may sakit siya, nakita ko agad ang pagbabago sa timbang niya, ngayon, mas lalong dumoble ang pagiging manipis ni Ysadelle. Maputla na ang dating mapulang labi, kahit pa nakikita kong nakangiti siya alam kong hindi naman talaga siya masaya.

"Ysadelle, seryosohin mo naman. Lahat kami nag-aalala na sayo."

She made a peace sign. Kahit gaano pa talaga kalupit ang mundo sa kanya, ang tanging gusto niya lang ay magpasaya ng tao.

"Totoo 'yon." Sabi niya sa seryosong boses. "Ayokong mamatay na kalbo. Ayokong mamatay na sobrang payat. Ayokong mamatay na baka pati ako, hindi ko na makilala sarili ko."

Beast Inside (Despicable Men Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon