Kabanata 17
Haven
"You didn't call."
Dama ko ang pagtatampo sa boses ni Aira. Kahit pa kabilang linya pa 'to, hindi niya maitatago iyon sa tono niya.
"I'm sorry, okay? Alam mo namang hindi ako pala cellphone kapag nasa ibang lugar."
"Pero sana tinext mo ako bago kayo bumyahe. I was worried, Stacia!"
Napanguso ako. Alam ko naman kasing kasalanan ko 'to. "Sorry na, Aira.."
"Hindi ako makapag held ng meeting kahapon. Nag-aalala talaga 'ko sayo! I even sent my guards to check you but you're not in your house. Meaning? Mas lalo akong nag-alala! Tumawag ako sa school at sinabing kasama ka sa retreat!"
Hinayaan ko lang siyang magsalita. Sa susunod nga hindi na mauulit 'yon. I feel guilty because I made her worried about me. Alam kong nasa isip niya na baka may hindi ako magandang gawin.
"Hindi na mauulit Aira."
"Dapat lang, Stacia ha!" She exclaimed. "You're all I have! Huwag mo akong pagtaguan ng lihim!"
Hindi ko naman dapat ililihim to. Naisip ko kasi na baka masyado rin siyang abala sa trabaho. At saka, hindi naman kami nagtagal sa Vista Verde, e. Ang makasarili ko dahil nagsaya ako roon samantalang halos mamatay ang kaibigan ko sa pag-aalala.
"I miss you.." I said slowly.
Nasa harap ako ng laptop ko ngayon at nasa school. Ilan lang kaming pumasok dahil pagod kahapon. Walang pasok ang mga fourth year dahil pagod din sila. Ako, nagdesisyon akong pumasok para gawan ng kwento ang mga litrato na binigay ni Spade kagabi.
There was a long silence after I said that. Akala ko hindi na ako sasagutin ni Aira, e.
"I miss you more. Don't do that again!" Mahinhin ang pagkakasabi niya sa una samantalang binigyan diin naman niya ang huling salita.
"May trabaho ka ba?" Tanong ko.
"Yup! Meeting again. I'll call you na lang ulit, ha?"
"Sure! Goodluck! Love you!"
"Love you, Stach!"
Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko dahil maayos na kami ni Aira. Ayan, hindi na ako mahihirapang humanap ng mga salita sa isusulat ko.
"Sipag talaga. Best employee award goes to?" Naglapag ng kape si Yohan sa table ko.
"Akala ko hindi ka papasok?" Hindi ko kasi siya nakita kanina.
"Akala mo lang 'yon!" Pasaring niya, "Kung wala akong anak. Di talaga ko papasok!"
Natawa ako.
"Nagustuhan mo ba mga pictures? Galing ko kumuha no? Palitan ko na ba si Spade sa pagiging photographer?"
"Siraulo ka talaga. Buti walang nakakita!"
"Eh ano naman kung may makakita? Wala namang mali don."
I gave him the look. "Alam mo namang may nagkakagusto doon."
"Hanggang gusto lang 'yon kay Spade!" Iritado niyang sabi.
Kahapon kasi nakwento ko yung pagpunta ni Laurence sa kwarto at mga sinabi niya sa akin. But I didn't include the part when she knows why I'm always wearing something that could cover up my wounds! Hindi alam ni Yohan 'yon.
Galit na galit si Yohan kagabi. He admitted that they had a conversation and probably someone overheard it. Pero diba parang mali 'yon? Eavesdropping? Ganoon na ba kalala ang taong 'yon?

BINABASA MO ANG
Beast Inside (Despicable Men Series #2)
RomanceBeing ruled by her own demons and experiences, Alistacia Hermosa is having a hard time building herself. She is not your typical girl. With all the betrayals she experienced years ago, what if it will happen again? Will she win the fight once more...