Kabanata 3

5K 148 8
                                    

Kabanata 3

Goodbye

Hiyang hiya ako kay Spade dahil sa nangyari pero ayokong ipaalam iyon sa kanya. Nakatuon lang ang tingin niya kay Father na taimtim na nagsasalita sa harapan at muling pinapangaralan ang mga kabataan.

Dinapuan tuloy ako ng hiya dahil pinagkamalan ko pa siyang may saltik.

Paminsan-minsan ay sumisilip ako kay Spade, nakahalukipkip itong nakikinig sa misa. Palaisipan pa rin sa akin kung bakit niya gustong mag-apply dito.

He is a businessman and he looks successful too. Kaya bakit tinitiis niya ang sarili na makuha ang trabaho na yan?

Or maybe he is just bored. Baka hindi na niya kailangan pa kumilos para magkapera, baka naman kusa nang lumalapit ang pera sa kanya, kaya ngayon na wala siyang ginagawa ay naisipan niya na kumuha ng trabaho dito.

Hindi ko alam kung paano ako makikipag usap sa kanya, this man is really intimidating...baka pag hinarap ko ito kay sir F na istrikto ay mabuhol ang dila non!

"Kung gusto mo kumain nandyan lang yung canteen.." Bulalas ko para makuha ang atensyon niya pero agad ko 'yong pinagsisihan.

Naman, Stacia! Hindi pa nga tapos ang misa, e.

"Ikaw? Kumain ka na?" Nasa akin na ngayon ang atensyon niya.

Tumango ako kahit hindi. Naalala ko bigla yung skyflakes.

"Maraming canteen dito." Sabi ko at tinuro ang lumang canteen sa kabila, "Ayan yung luma. Diyan kami madalas bumili kasi malapit siya sa office."

Ni hindi ko nga alam bakit kailangan ko pang ipaliwanag sa kanya yun.

"Masarap kumain diyan.." Dagdag ko pa at biglang may isiningit, "Ginto nga lang yung presyo."

"Ganyan naman talaga sa lahat ng eskwelahan." Kalmado niyang wika.

Tumango ako. Kung sabagay, saan nga ba ako nakakita ng school na mura at makatarungan ang presyo? Ultimo nga Cream-O na may extra chocolate na dapat ay 8 pesos lang nagiging 12 pesos!

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya na kinabigla ko.

Bakit niya ba laging tinatanong kung ayos lang ba ako?

"Oo, salamat."

Is he an angel sent from above? Parang hindi naman, he doesn't look like an angel to me. He looks dangerous, cruel.. I don't know, o ako lang 'yun?

"Tapos ng misa, picture'an mo yung mga estudyante kung paano sila aalis." Nguso ko sa mga bata.

"Paano kung magulo silang aalis? It would be bad for the newspaper." Aniya.

Well, totoo naman..."Hindi yan, takot yang mga yan sa mga teachers nila, e."

I heard him chuckled a bit. Napatingin tuloy ako sa direksyon niya. If he is not an angel sent from above, then who is this guy?

Baka naman talagang gusto lang niyang mag-apply at masyadong obvious ang pagiging problemado mo Stacia kaya lagi ka niyang tinatanong? My inner self answered me.

Kumalam ang sikmura kong kanina pang walang laman, napahawak ako ron at lintik naman talaga dahil mukhang narinig pa niya!

"Kumain, huh." Panunuya niyang sinabi sa akin.

Great, Alistacia! Nakakahiya! Hindi kami close ng lalaking 'to tapos narinig niya pa ang tawag ng sikmura ko.

"Kumain na tayo." Aniya at naunang naglakad papunta sa lumang canteen.

Beast Inside (Despicable Men Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon