M.U.N.D.O

1.4K 30 9
                                    

(just want to share my fav opm song mundo (in the multimedia)

Sa mundo natin ngayon,
Hindi maiiwasang magmahal ng maling tao,
Nang maling tao na akala natin ay sa atin nakaperpekto,
Sa magulo nating mundo,
Umiikot ang mundo ng marami sa isang ordinaryong tao,
Dapat yung planeta lang ang umiikot sa orbit nito,
Pero mas pinili mong ikaw ang paikutin ng mundo,
Mas pinili mong ikaw ang masaktan kesa ikaw ang sumaya,
Bakit ba kasi minahal mo siya?
Bakit mo minamahal ang taong hindi naman tama?
Bakit minamahal mo ang taong nakatadhana sa iba?
Bakit mas pinili mo siya kesa sa kanya?
Kung ayaw mong masaktan sa huli,
Huwag mong hayaang ikaw ay mapaikot muli,
Dahil kung ikaw na naman ang naloko,
Magmumukha ka na namang kawawang aso,
Na parang iniwan sa kalsada ng kanyang amo,
Parang aso na hahabulin siya hanggang sa kaya mo,
Pero sana naman kahit minsan matutunan mo ang salitang 'suko na ako'
Hindi masamang sabihin 'yan kung hindi mo na talaga kaya,
Maraming tao ang piniling lumaban,
Pero sa huli sila lang din ang nasaktan,
Pero sa tingin mo ba?
Kapag pinagpatuloy mo pa ang kahibangan mo sasaya ka?
Minsan, hindi masamang sumuko,
Ang pagsuko ay hindi ibig sabihin na mahina ka,
Ito ay nagpapahiwatig na kahit wala siya,
Kaya mong mabuhay mag-isa,
Na kaya mong sumaya kahit ikaw ay nag-iisa,
Na kaya mong tumayo sa sarili mong paa,
Na hindi umiikot ang mundo mo sa kanya,
Nakakapagod kasi,
Nakakapagod na sa bawat oras o minuto sarili mo ay sinisisi,
Na sinisisi mo ang sarili,
Na ikaw ang dahilan ng isang pagkakamali,
Huwag kang mag-alala.
Sa relasyon niyong dalawa,
Ikaw ang nagmahal, siya ay naging tanga,
Mas pinili niya kasing bumitaw at mahalin ang iba,
Kesa mahalin ang taong nasa tabi lang niya,
Siguro dapat mas maging masaya ka pa dahil sa pagbitaw niya,
Dahil kung tumagal pa ang pagsasama,
Mas lalo pang lalala ang sakit na iyong madadama,
Huwag mong isisi sa sarili mo,
Na pinakawalan mo ang ex mong gago,
Dahil kahit tignan mo sa bawat anggulo,
Siya ang mali at ikaw ang tama,
Siya ang paasa at ikaw ang tangang umasa,
Mali ang kanyang ginawa at tama ang iyong naging desisyon,
Na mas inuna mong pakawalan ang taong minahal ka sa iyong imahinasyon,
Pero malay mo, bukas o kahit ngayon,
Matagpuan mo na ang lalaking magmamahal sayo hanggang pagtanda mo

AUTHOR'S NOTE:

SO HELLO GUYS! I MADE A NEW STORY—NO! NOT A STORY BUT 'A SPOKEN POEMS'.

SPOKEN POEMS MEANS IS PINAGSAMA ANG SPOKEN POETRY AND POEMS!

I AM HOPING NA MAGUSTUHAN NIYO ITO KAHIT HINDI NAMAN AKO PINANGANAK NA MAKATA! PASENSYA! I JUST WANT TO SHARE MY FEELINGS TO OTHERS AND YES! ALL MY POEMS ARE DEDICATED TO MYSELF OR TO THE OTHER PEOPLE THAT I MET.

AND THIS STORY IS DEDICATED TO MY FRIEND NA LAGING UMAASA SA TAONG GINAWA NIYANG MUNDO AT NGAYON BREAK NA SILA^o^ I'M HAPPY FOR YOU BESHY!

SPOKEN POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon