SakSak sa Likod

205 4 0
                                    

Mga kamay na may hawak na patalim,
Mga matang nababalutan ng dilim,
Hindi na nakahinto sa maling gagawin
Nang saki't galit tuluyan kang nakain

Isang pilyong ngiti ang umiibabaw,
Sa mga labing nakatingin sa langit na bughaw
Patalim na hawak ay uhaw na uhaw,
Sa paghihintay mga dugong aapaw

Di mapigilang mapahagulgol ng iyak
Nang marinig kanyang mabigat na yapak
Hinawakan ang kamay at sinabi niya...
"Nandito lang ako huwag kang mag-alala."

Ngunit sa kabila ng iyong mga haplos
Ramdam ko pa rin ang galit sayong puso
Hindi pansin kutsilyong sakin ay tatapos
Nang ako na ay bumigay at na talo

Unti-unting nawawala ang maskara
at pinakita na ang tunay na mukha
Isa dalawa't tatlo kutsilyo'y tumarak
Hindi napansin ang luhang biglang pumatak

Akalang mabuti ay masama pala,
Tuluyang nasira ang aking tiwala,
Nang patalikod mo akong siniraan,
Biglang ako ay iyong pinagtaksilan

Mata'y naging itim, labing biglang pumuti,
Tuluyang hindi nakagalaw sa hapdi,
Hindi na alam sumunod na nangyari
Nang takpan mo mga mata kong sumakit

Pikit-mata akong tumingin sa langit
Inalala mga ngiti sating labi,
Ngunit aking puso ay iyong napunit,
Nang iwan mo kong walang pag-aatubili,

Kutsilyo niya ay kanya ng binitawan,
Iniwan mag-isa't sinara ang pintuan,
Iniwan mo ako dito na duguan
Di na alam gagawin sa kadiliman

Ang pintuan ay tuluyan ng sumara,
Di na muling pinihit ang seradura
Dahil tinapos mo na at ayaw ko na
Ayokong magtiwala ulit sa iba,

Muli kong bubuksan ang aking mga mata,
Kapag may liwanag na akong nakita ,
Ngunit mata ko muna ay aking isasara,
Para 'di makita bangkay mong nakabulgta

SPOKEN POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon