Minsan sa isang pagmamahalan,
Di maiiwasang magkaroon ng tampuhan,
Tampuhan na muntik ng mauwi sa hiwalayan,
Minsan maiiyak ka na lang sa isang sulok,
Habang ang mukha mo ay puno ng luhang walang tigil sa pagtulo,
Panay iyak wala namang katuturan,
Dahil bandang huli ay magkakaayos rin naman,
Haayst
Sana all,
Sana all tumatagal,
Sana all walang hangganan,
Sana all walang katapusan,
Sana all na lang talaga,
Hindi maiiwasang mapasana all kapag may nakita kang magjowa na masaya,
Magiging bitter at mapapasabing 'ay! Dapat ganyan tayo pero masaya ka na sa iba."
Sa piling ng iba,
Na dati ako ang nagbibigay ng ngiti sa iyong labi,
Pero ngayon, nagiging masaya ka na kahit wala ako sayong piling,
Ang bilis magsawa no?
Na dati-rati ako ang hinahanap-hanap,
Ngayon...iba na ang iyong kayakap,
Na dati-rati hinahanap mo ang aking halik,
Pero ngayon ay parang ayaw mo na akong bumalik,
Bakit ganon?
Malingon ka lang sa ibang direkyon,
Pagtingin mo ay iba na ang karelasyon
Nagmukha ako na parang yosi
Na noong una ako ay nagbibigay sayo ng ligaya,
Pero pagnaubos na ay itatapon mo na lang bigla,
Tatapakan mo pa nga eh at iiwan mag-isa,
Asan na 'yung pinangako mo?
Yung pinangako mong walang hangganan?
Bakit napako?
Parang kahapon lang ang saya nating dalawa,
Pero ngayon, mas masaya ka na sa kanya,
Siguro, tatanggapin ko na lang ang aking pagkatalo,
Tatanggapin ko na lang na naniwala ako sayong mga pangako,
Mga pangakong hindi totoo,
Alam ko namang may iba pa dyan,
Na mas worth it kaysa sa tulad mo,
Hihintayin ko na lang siya,
Habang nakatanaw ako sa inyong masayang magkasama,
Ayos lang talaga,
Kung saan ka sasaya,
Doon na ako dahil mahal kita,
Kahit pa iniwan mo akong mag-isa.
-----
Author's Note : Hello there! I would like to say sorry to those who are still reading this kasi napapansin kong patagal ng patagal ay papanget na ng papanget ang updates ko :( i'm really sorry...medyo mahirap kasing gumawa kapag nasa loob ka lang ng bahay mo. Walamg motivation but still thank you for reading this 🐰🍒!
BINABASA MO ANG
SPOKEN POEMS
PoetryMga tula at ang iba ay spoken poetry na aking ginawa mismo, Mga pananaw sa buhay, mapatagalog o english man ito Hope you will like this story d tulad ng crush niyo na kahit kailan hindi kayo mala-like kagaya ko Ouch