P.A.N.G.A.K.O

395 11 0
                                    

(just wanna share this beautiful english version song of promise by exo^^)

Sa isang hilera ng puno na nadadaanan,
Tayong dalawa ay masayang nagkwekwentuhan,
Habang ang mga dahon ay unti-unting bumabagsak sa ating katawan.
Isang matamis na ngiti ang nagbibigay liwanag sa daang tinatalakay,
Sa bawat hakbang ng paa ay bagong kabanata ng ating buhay,
Sa bawat pagsaway ng mga sanga ng cherry blossom na puno,
Ay ang pagbilis ng tibok ng aking puso,
Habang ating mga kamay ay magkahawak at parang hindi napapaso,
Napapaso sa init ng pagmamahalan na iyong binibigay sa kagaya ko,
Sa aking isa lamang ordinaryong tao,
Na nagbabakasaling siya ay mahalin ng taong matagal na niyang hinihiling,
Na makasama sa bawat oras na iba ang kapiling,
Sa bawat pagpatak ng ulan sa kalangitan,
Ay ang pagdaloy ng baldeng luha na parang gusto pang gumawa ng karagatan,
O aking giliw, ayaw kitang piliting ako ay iyong mahalin,
Pero sa tuwing nakikita kitang may ibang kasamahan,
Parang gusto kong lumuhod sa iyong harapan at ipagsigawan,
'Na tangina mahal kita peksman!'
Na kaya kong ibuwis ang aking buhay makasana ka lang, aking kasintahan.
Na kaya kitang ipaglaban kahit ang kalaban na ay ang lipunan.
Hinding-hindi ko kayang ikaw ay aking bitawan.
Na kahit sa munting kahilingan,
Gusto kong matupad ang pangakong ating sa isa't-isa ay iniwan,
Na habang buhay ay magtatanim ng sagana asa ating pagmamahalan.'
Pero lahat ng bagay na akala ay wala ng katapusan.
Ay mauuwi sa salitang 'may nanalo na, tapos na ng laban.'
Dahila ng bawat pangakong binitawan,
Ay mauuwi lamang sa isang kasinungaliangan,
Na sinabi mong ako lamang ang iyong hahagkan,
Pero bakit nakita kita sa iyong bahay na may kalampungan?
Tangina! Tao rin ako at may nararamdaman,
Nakita ko na ang lahat-lahat pero bakit ayaw ko paring paniwalaan?
Dahil peste! Mahal kasi kita na kahit anong gawin mong kasinungalingan sa aking harapan.
Ay papatawarin pa rin kita kahit labag na sa aking isipan.
Kagaya mo, at ang taong linta na bago mong kagamitan,
Pare-parehas lang tayong tao pero bakit parang lumalabas na ako ay isa lamang laruan?
Laruan na iyong itatapon sa oras na may bago ng nagbibigay sa iyo ng kasiyahan.
Masakit sa akin pero aking susubukan,
Aking susubukang ikaw ay kalimutan,
At ang pangakong kasinungalingan lamang ang laman,
Totoo yan!
Dahil kahit kailan,
Hindi ko natutunan ang salitang gaguhan.
Sawang-sawa na akong masaktan,
Aking kasinatahan,
Sa pagtama ng alas-dos sa iyong orasan,
Ang laruan mong noo'y nagbigay sa iyo ng kasiyahan,
Ay unti-unti ng  lilisan,
Dahil sa larong iyong sinimulan,
Ako ang unang magsasabi ng 'ayawan na dahil ako lang naman lagi ang talunan.'
Pero lagi mong tatandaan,
Na kahit kailan,
Ang pag-ibig ko sayo ay hindi mapupunta sa salitang katapusan.

SPOKEN POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon