Ito ang panahong mga puno ay unti-unting lumalago,
Pagkatapos ng matinding pagyeyelo,
Lumipas na ang maraming panahon,
Pero hanggang ngayon,
Nakaupo ako sa loob ng aking kwarto,
Naghihintay sa muling pagbabalik mo,
Naghihintay na ikaw ay kumatok muli sa aking kwarto,
Tapos na ang pagbagsak ng mga yebe sa kalingatan,
Pero hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako dito sa aking upuan.
At napapatanong kung nasaan ka na ba?
May balak ka pa bang magpakita?
Kasi...kasi ang tagal na eh.
Matagal na ng muli ikaw ay aking nasilayan.
Matagal na simula ng huli kitang mayakap,
Matagal na ng huli kitang nasulyapan
Matagal na akong nangungulila sayo...
Sayo mismo.
Matagal na...
Matagal ng panahong ako ay naghihintay sayo...
Pero bakit ayaw mo pa rin magpakita?
Ayaw mo ba akong makita?
Dahil ako?
Gustong-gusto na kitang makasama
Hanggang kelan pa ba ako maghihintay?
Inip na inip na ako...
Ayos lang sakin n kung magkita man tayo,
Iba na ang gusto mo,
Ayos lang sakin kung hindi na ako,
Ayos lang...
Makita lang muli kitang masaya,
Ayos lang kung magbago ang lahat,
Ayos lang kung may mas nahanap kang mas sapat at tapat,
Ayos lang talaga...
Basta makita lang muli kita.
Kahit bilyon-bilyong saksak ang aking natatamo sa aking puso...
Kapag nakikita kitang nakangiti at nakaharap sa kanya...
Mahal...magpakita ka na.
Alam kong hindi na muling maibabalik ang dating tayo...
Dahil naalala ko...na never palang naging tayo.
Never...
Pero nandito ka pa rin sa aking puso forever.
Hinding-hindi kita kakalimutan magdaan man ang summer.
Ikaw lang...
Ikaw lang ang nagbibigay sa akin ng lamig pagkatapos ng winter.
Ikaw lang ang nagpapasaya sa akin sa loob ng ilang taon...
Pero hindi na muling maibabalik ang dating panahon...
Dahil matagal mo na akong iniwan aking matalik na kaibigan.
At nakakasigurado akong hindi mo na muli akong babalikan.
Dahil alam ko ring masaya ka na dyan sa kalangitan.
Kasama ang iyong pinakamamahal na ka-ibigan.Hi :'>
BINABASA MO ANG
SPOKEN POEMS
PoetryMga tula at ang iba ay spoken poetry na aking ginawa mismo, Mga pananaw sa buhay, mapatagalog o english man ito Hope you will like this story d tulad ng crush niyo na kahit kailan hindi kayo mala-like kagaya ko Ouch