KAIBIGAN

278 8 0
                                    

(Poem for Filipino subject 8 /pre-assestment/)

Sa ating napapanahon o moderno nating mundo
'Di maiiwasang magkaroong kaibigang 'di totoo
Na dati-rati ating sinasabi na hindi susuko
Hindi susuko sa pagkakaibigang ating binuo

Ako't ikaw na bumuo sa samahan
Na ako ang nagsilbing iyong sandalan
Sa panahong tingi'y walang kasamahan
Akong naging ilaw sa madilim mong daan

Na ngayon ay ako ay kinalimutan mo na
Nang makilala, kaibigang kakakilala
Na dati-rati ako ang palagi mong sambit
Na ngayon para na akong naging isang sabit

Ito ay tula ng isang hindi makata
Ginawa ko ito upang ipaalala
Na kahit ako ay iyong kinalimutan
Tatatak ka pa rin saking puso't isipan

SPOKEN POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon