Nandito pa ako,
Salitang lagi kong binabanggit upang pagaanin ang nararamdaman mo,
Ngunit nakalimutan mo,
Nakalimutan mong nandito pa ako,
Naghihintay na mahalin mo rin ako,
Naghihintay na mahalin mo ulit ako,
Alam ko na mang mahirap palitan ang nararamdaman mo pero,
Pero nandito naman ako ah?
Ako yung taong hindi ka iniwan sa mga oras na iniwan ka niya,
Ako yun eh,
Pero anong na pala ako?
Wala di ba?
Dahil sa bawat oras na magkasama tayo wala kang ibang binanggit kundi ang pangalan niya,
Na kesyo mahal mo pa siya,
Sakit nun di ba?
Ang sakit-sakit.
Na ako yung nagmalasakit
Pero ako yung nakaramdam ng sakit.
Ako yung nakaramdam ng sakit.
Dahil 'mahal ko siya' ang lagi mong sambit.
Bakit?
Nandito naman ako naghihintay sayo pero mas pinili mo pa rin siya.
Nandito ako tinutulungan kang kalimutan siya,
Pero anong sinabi mo?
'hindi ko siya kayang palitan.'
Hindi mo siya kayang kalimutan,
Pero nandito naman ako para ikaw ay tulungan,
Tinutulungan kitang makalimot at maging masaya,
Pero lagi mo nalang sinasabi na wala akong mapapala,
Dahil kahit anong gawin ko siya pa rin ang mahal mo,
Ang swerte niya no?
Dahil yung lalaking mahal ko,
Mahal siya kahit iniwan na siya nito,
Bakit ako?
Bakit nung ako naman yung nang-iwan sa kanya, hindi niya ako nagawang iyakan kagaya ng pag-iyak niya dahil sayo?
Bakit hindi siya nagmukmok nung mga panahong iniwan ko siya?
Oo nga pala,
Nakalimutan kong kakilala niya lang pala ako,
---
I made this when I was grade 6. Hindi ko magawang mapost kasi ang panget niya kasi like...what the heck is this?!
So pinost ko lang kasi wala akong mapost😂
P.s : HAPPY 5K READS THANK YOU GUYSS😭❤
BINABASA MO ANG
SPOKEN POEMS
PoetryMga tula at ang iba ay spoken poetry na aking ginawa mismo, Mga pananaw sa buhay, mapatagalog o english man ito Hope you will like this story d tulad ng crush niyo na kahit kailan hindi kayo mala-like kagaya ko Ouch