CINDERELLA

105 4 0
                                    

Ngiti sa labi ko ang sumilay,

Pagkababa ko ng kalesang aking sakay,

Saya ang nabubuo sa aking puso,

Habang binabagktas ang kahabaan ng hagdan patungo sayo,

Napapangiti ako ng matamis ng may nabubuo na ako saking isipan ng masasayang imahe,

Habang tayong dalawa ay magkasama, aking prinsipe

Pagkapasok sa engrandeng pagtitipon,

Ang aking tingin ay agad sayo'y natapon,

Hindi na naalala ang kahabaan ng ating agwat,

Hindi na nagsayang ng oras at ikaw ay nilapitan,

Sumulyap ako sa mukha mong matagal ng naglalakbay sa aking isip,

Kasabay ng ating tinginan ay ang pagtugtog ng mabagal na awitin,

Doon na nagtipon ang magkakapareha sa gitna ng bulwagan,

Inaya mo akong makasayaw ka sa harapan ng mamamayan,

Hindi na ako nag-dalawang isip at sinamahan ka,

Inilagay mo ang kamay mo sa aking bewang habang ang isa ay nanatili sa aking isa pang kamay,

Nagsimula tayong sumayaw at ako'y iyong inalalay,

Dahan-dahan tayong sumayaw at pag-ikot mo sa akin ay ang paghinto ng ating oras,

Tapos na ang gabi at maghihiwalay na ang ating landas,

Unti-unting nagbitiw mga kamay nating mahigpit na magkalapat,

Luha'y hindi na naubos habang unti-unting akong humahakbang palayo,

Napatakbo sa engrandeng hagdan,

Hindi inaasahang matatapilok dahil sa takong ng aking sapin sa paa,

Aking ininda ang sakit at tumakbo ng muli palabas kahit pa alam kong ako ay iyong sinusundan,

Sumakay sa kalesa at umalis na,

Tanaw-tanaw kang lumabas habang hawak ang bagay na aking di sinasadayang naiwan,

Tama nga naman sila,

Kahit gustuhin mo man ang isang tao o bagay,

Kung hindi para sayo ay hindi magiging sayo,

Kahit gaano niyo pa kamahal ang isa't-isa,

Kung ang tadhana ay hindi naka-ayon ay hindi magiging kayo,

Lumipas ang ilaw araw muli tayong nagkita,

Hawak mo pa rin ang bagay na aking naiwan,

Ngunit may nagbago na,

Wala na ang sigla sayong mata,

Wala na ang saya sayong mukha,

Napilitan na ito ng sakit at pangungulila,

Hindi ko mapigilang mapaluha,

Libo-libong butil ng luha ang aking naiyak,

Ngunit alam kong kahit lumuha ako ng dugo,

Hindi mapapasa akin ang puso mo,

Aking prinsipe,

Wala tayo sa isang libro,

Walang Fairy God Mother na tutulong na mabuo ang tayo,

Walang ganoon,

May iba tayong klaseng istorya na dapat ng tuldukan,

Walang happy ending tulad ng nakasanayan,

Walang ganyan,

Ngunit lagi mong tatandaan,

Na na sayo pa rin lagi ang bagay na iniwan ko para lamang sayo,

Ingatan mo lagi ang kabiyak ng aking puso,

Dahil kahit hindi tayo magkasama,

Tandaan mo na parati pa rin ako nandito sa tabi mo,

Naghihintay ng oras upang magkita muli tayo,

Hindi nga lang dito,

Kundi sa kabilang mundo.

SPOKEN POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon