MUKHA SA LOOB NG MASKARA

156 7 0
                                    

~•~

Maraming nagsasabi sa akin,

Nakilala na raw nila ako,

Maraming nagsasabi na mabait ako,

Marami din naman nagsasabing mataray ako,

Minsan naguguluhan na rin ako kung ano ang totoo,

Kung sino ang nasasabi ng totoo,

Dahil kahit ako mismo,

Hindi ko alam ang tunay kong pagkatao,

Pero bakit maraming naglalakas loob na sabihin kilala na nila ako?

May lubusan pa nga eh,

Pero hindi nila alam,

Sa likod ng magandang imaheng pinapakita ko,

Nagtatago ang tunay kong kulay,

Hindi naman sinasabi kong plastik ako,

Hindi ko rin naman sinasabing pakitang tao ako,

Ang gusto ko lang naman ipahiwatig,

Na hindi lahat ng nakikita niyo ay totoo,

Lahat naman siguro ng tao ay may isa pang mukha,

Isa pang mukha na nagkukubli sa likod ng makapal na maskara,

'Yung bang maskara na parating nakangiti,

Yung maskarang parating nagpapasaya,

'Yung maskarang pinapakita mo sa iba,

Pero pagsapit ng gabi,

Magkukulong sa silid,

At doon muling tatangalin ang maskrang nakatabing,

Makikita mo na ang tunay na mukha,

Yung mata at pisngi na may bahid ng luha,

Mga ilong na namumula dahil sa matinding pag-iyak,

Napapatanong ka na lang sa sarili,

'Na bakit nakukuha kong pasayahin ang iba pero mismong ako hindi manlang makangiti?'

Yung iba nakukuha mong tulungan pero ni ikaw na sarili mo hindi makaahon?'

Makaahon sa mga malulungkot na panahon,

Pagkagising mo,

Mapapasabi ka na lang na 'Ito na naman,'

'Panibago na namang kasinungalingan',

Pagpasok sa eskwelahan,

Sasalubong ang masasayang kwento ng kaibigan,

Bago sila magkwento ng kanilang problema,

At ikaw namang si tanga,

Makikinig at bibigyan sila ng mga message na makakapagpasaya sa kanila,

Ang tanga mo naman,

Nakakaya mong pagaanin ang loob ng iba pero ikaw bigat na bigat ka na,

Sa mga problema mong mag-isa mong haharapin,

Maskarang hindi kayang tanggalin,

Maskarang tila na nakakabit,

Sa mukha na hindi mo na kayang tanggalin,

Ito lang ang masasabi ko,

Na kahit gaano pa tayo ka close sa isa't-isa,

Hindi mo pa rin ako lubos na kilala,

Dahil mismong ako ay hinahanap pa rin ang tunay na ako,

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Sorry because it's kinda lame and not that good because I am unmotivated for some reason :'< 

SPOKEN POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon