GULAY NA WALANG MALAY

843 19 2
                                    

Puro na lang hugot ang nakikita,
Sa lahat ng social media,
Puro hugot tungkol sa gulay,
Ni ang walang malay na blackboard nadamay,
Pati ang mukha niyo sa inyong profile,
Naglagay ng background na blackboard na may nakasulat na hugot sa buhay,
Ngunit ang mga nakasulat ay hugot patama sa mga jowa nilang sarap ipapatay,

Mga estudyante di malaman ang trip ngayon,
Mga petmalung bagay napapanahon,
Ultimo ang CARROT na pampakinis ng balat
Naging nationwide dakilang charot na,
Pakisabi na lang sa crush mo na walang kwenta
Na Kumain ng KALABASA para luminaw ang mata,
Nang makita niya ang worth ng taong matagal ng naghihintay sa kanya,

Kumain ka ng BROCCOLI para hindi na mabroke uli,
Mga kabataan ngayon, nabo-broke kahit crush lang naman niya,
Nagiging bitter kagaya ng AMPLAYA kahit hindi naman naging sila,
Makahugot dinaig pa ang may jowa,
Eh single naman since birth jusko ka!
Kagaya  ko na parang naghiwa ng SIBUYAS ng unti-unting pumatak ang luha galing sa mata,
Nang malamang may nililigawang iba ang crush niya

Kung kakain ng lugaw laging iniiwan ang LUYA,
Alam niyo naman ang feeling ng iwan kaya huwag na kayo magdamay ng iba,
Bakit hindi niyo i-try kainin ng gumanda naman boses niyo at hindi puro hugot ang nalalaman niyo?
Huwag niyong ugaliing mang-iwan dahil hindi niyo alam na may nasasaktan na pala kayo,
Kung ikaw ay nasaktan ay kumain ka ng SITAW ng magkaroon ng buhay ang puso mong pumanaw,
Dinaig pa ang SILI ng crush o jowa natin na mas malupet pa kung magmahal!
Hindi lang daan kundi libo! Saan ka pa?!
Pero sabi nga nila, lahat ng sobra nakakasama,
Kagaya siguro ng pagmamahal ko sa kanya, napasobra na kaya naging masama na.

Huwag na kasi kumain ng SAMPALOK para hindi na maging marupok.
Huwag ka ng umasa dahil kahit kailan hindi ka niya mahal kahit de-tuldok.
Huwag ka kasi kakain ng sampalok,
Dapat kumain ka ng PAPAYA upang maramdaman mo kung paano sumaya kahit wala siya,
Hindi sa bawat oras laging ikaw ang malungkot.
Give others a chance naman, huwag puro sarili mo
Sinasaktan mo lang lalo ang  puso mo

Huwag kang maniniwala sa mga nagsasabing kumain ka ng GO, GROW And GLOW so you can grow old with me.
Huwag paniwalaan,
Baka ika'y aking masakal lamang,
Halata namang binobola ka lang, nagpabola ka na man.
Ang go grow at glow, sustansya ang dala nito
hindi sakit ng pagkadurog ng sawing puso.

Kahit anong mangyari sa ating buhay,
Kahit ilang beses kang masaktan lagi mong tatandaan na lagi kang may karamay,
Na handang ipaalala na hindi ka nag-iisa dahil maraming handang saluhin ka gamit ang kanilang kamay,
Nagpapahiwatig na hindi ka mag-iisa sa takbo ng ating buhay,
Kumain ka na lang ng GULAY,
Kahit iniwan ka ng walang kamalay-malay,
Laging tandaan na may magbibigay pa rin sayo ng saysay
At  may tao pa ring handang bigyan ang buhay mo ng magandang kulay.

#HugotParaSaNutritionMonth
#2k19
#July27,2019

DEDICATED TO MYSELF! GUYS AND SAKIT! 😭 MAY MAHAL SI CRUSH UWAAHHH!! AND I MADE THIS POETRY BEFORE THE MONTH OF JULY END. HEHE😅 DUN KO KASE NALAMAN NA MAY NILILIGAWAN SI CRUSH TAPOS NAGING SILA TAPOS BREAK NA SILA AS OF NOW...AS WHAT I SAID! As of now! Kase nagpaparinig sila sa FB SO IT MEANS MAY FEELINGS PA DIN SILA SA ISA'T-ISA UWAAHH SHAKET MGA MAMSH😭 HOPE YOU LIKE THIS POERTY HUHU! LUV YOU AND SHARE KO LANG UwU💙❤

P.S: daat nung july pa to eh kaso ngayon ang ako nagkaroon ng lakas ng loob ipost kasi feel ko ang panget ng mga poetry ko eh😂

SPOKEN POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon