Sabi nga nila...
"Nothing is permanent."
Lahat ng bagay ay nawawala.
Lahat ng bagay ay nagbabago
Kahit ang feelings ng isang tao,
Nawawala na parang isang bula.
Hindi mo mapapansin pero unti-unti na itong nawawala.
Ang galing no?
Noon baliw na baliw ka sa kanya.
Ngayon, parang diring-diri ka pa kapag nakikita siya.
Noon, magtagpo lang ang mga mata niyo para ka ng nanalo sa loto sa saya.
Pero ngayon, ultimo titigan siya hindi mo na magawa.
Wala na kasi yung tinatawag nilang sparks na dati lagi mong nararamdaman kapag kasama siya.
Wala na yung feelings mo para sa kanya.
Na dati ultimo makita siyang may kasamang iba...
Para ka ng may dalang mabigat na bato sa bigat ng iyong dinadala.
Tama nga sila.
Magkaiba ang noon at ngayon.
Na dati-rati, iniiyakan mo siya nung mga panahong iniwan ka niya.
Na dati-rati, nasasaktan ka kapag naglalakad siya palayo sa tabi mo.
Habang nakangiti ng malaki at nakatingin sa babaeng mahal ng walang halong biro.
Noon yon,
Iba na ngayon.
Lumipas na ang napakaraming panahon.
Ikaw ay tuluyang naka-move on.
Wala nga kasing permanente sa mundo.
Kahit yan mga gamit mo,
Mabubulok yan,
Masisira,
Wala kasing permanente sa mundo.
Ang mundo ay bilog,
Walang short cut o corner para huminto.
Patuloy lang ang iyong pagtakbo.
Kahit pilitin mong huminto,
Hindi mangyayare iyon dahil ito nga ay isang magulong mundo.
Walang nakakaintindi sayo,
Nakakainis naman dahil nawawala na ang wisyo ko sa totoong topic natin sa ngayon,
Na kanina lang yoon ang pinag-uusapan,
Ngayon nabaling na sa iba ang pinagkwekwentuhan.
Dahil kasasabi ko nga lang.
Walang permanente sa mundo.
Subukan mo mang ibalik ang nakaraan.
Hindi ito magiging katulad ng mangyayare sa kinabukasan.
Noong mga panahong baliw pa ako sayo,
Noong panahong hirap na hirap pa akong tanggapin ang totoo
Hirap na hirap akong intindihin ang puso ko.
Lahat ng yon pinagsisihan ko.
Lahat ng kabaliwan ko sayo...
Pinagsisihan ko.
Dahil itong binigay kong pagmamahal sayo...
Ay nasayang lang naman,
Paano ba naman?
Tinapon mo lang ito sa basurahan.
Siguro yun ang naging dahilan,
Kaya mas pinili kong ikaw ay aking kalimutan.
Nakakasawa na rin kasi ang paglaruan.
Nakakasawa na yung ikaw ay pinaglalaruan.
Hindi naman ako marunong maggaguhan.
Pero ng makilala kita,
Doon ko matutunan kung paano hindi maging stick to one.
Kung paano...pagsabayin ang dalawang magkaiba ang katangian.
Yung tinatawag nilang, saluwahan.
Hahaha, biro lang kaya umiwas ka dahil baka ikaw ay matamaan.
Ngayon,
Ngayon ko nalaman
Na sobra pala akong nabaliw sayo.
Sayo na kahit kailan hindi natutunan ang salitang magseryoso.
Ngayon,
Na tapos na akong mahalin ka.
Tsaka ka magpaparamdam na parang walang nangyare sa pagitan nating dalawa.
Nakakapashet di ba?
Na dati-rati ako yung habol ng habol sayo!
Ngayon ikaw ang habol ng habol na parang isang aso!
Ngayon,
Ang sakit di ba?
Yung pinapamukha kang parang isang kawawa.
Nakakangamba nga eh.
Bakit ka ulit lumalapit sa akin?
Bakit?
Dahil wala na ang bago mo kaya ako ngayon ang papatusin mo?
Tangina! Natuto na ako!
Hindi na ako baliw kagaya noon!
Natuto na ako!
Kaya nga di ba?
Nung nakaraan tinapat kita,
Tinanong kita,
Kung kahit kailan ba minahal mo talaga ako?
O sadyang hindi mo lang kayang mag-isa kaya ako ang hinahanap-hanap mo?
At ang nakakaloko,
Niyuko mo lang yang lecheng ulo mo,
Natatawa na lang ako,
Oo nga naman,
Kailan mo nga ba ako mamahalin kagaya ng binibigay ko sayo noon...
Hanggang ngayon.
Oo, baliw pa rin ako hanggang ngayon.
Dahil nung nakita kita sa masikip na eskinita na mag-isa...
Doon ko napatunayan na kahit ngayon,
Nagpapakabaliw pa rin ako sayo,
Tangina head to toe,
Lahat ng tungkol sayo namiss ko...
At ito lang ang masasabi ko,
Mahal mo man ako o hindi,
Minahal mo man ako o mamahalin,
Pasensya na,
Wala ka ng babalikan pa,
Dahil kung mahal mo talaga ako,
Una pa lang hindi muna ako iniwan,
Una pa lang pinaramdam mo na sa akin ang pagmamahal na sinasabi mo ngayon sa akin,
Dahil minsan ko lang itong sasabihin,
Na pasensya na aking mahal,
Hindi na ulit ako magpapakabaliw sa tulad mo,
Kahit mahal na mahal kita,
Hanggang dito na lang talaga ang storya nating dalawa.

BINABASA MO ANG
SPOKEN POEMS
PoetryMga tula at ang iba ay spoken poetry na aking ginawa mismo, Mga pananaw sa buhay, mapatagalog o english man ito Hope you will like this story d tulad ng crush niyo na kahit kailan hindi kayo mala-like kagaya ko Ouch