Muli Tayong Magkikita

230 6 0
                                    

(Inspired by this song by my bias jihoon from SEBONGSS ^^)

'Mahal Kita.'
Salitang hindi ko ikakahiyang ipagsigawan sa madla...
Kahit marami pang humadlang sa ating dalawa...
Pilit ko pa ring lalakasan ang aking boses para marinig ng iyong tenga...
Malayo ka sa akin aking sinta...
Sobrang layo na kahit ibenta ko pa ang aking kaluluwa,
Hindi rin ako sa lugar mo mapupunta...
Nakakainis na iniwan mo akong mag-isa...
Kasabay ng pagtalikod mo ang pagpatak ng balde-balde kong luha...
Bigla mo akong iniwan mag-isa...
Sa gitna ng madilim na kalangitan...
Ngiti sa iyong labi ang huli kong nasilayan...
Bago pa mandilim ang buong kapaligiran...
Ngiti mo...
Ngiti mo na hanggang ngayon ay hinihintay ko pa ring aking muling makita...
Ayoko na...
Ako ay sawa na...
Sawa na akong hintayin ka...
Sawa na akong iyakan ka...
Ngunit hindi na ako magsasawang mahalin ka...
Hindi man kita nakikita...
Hindi man kita nakakasama...
Pero mismong ikaw nakadugtong na sa buhay ko...
Pinapasok na kita sa aking puso...
Pero ikaw itong kusang lumayo...
Hindi ko matanggap na inawan mo akong bigla...
Nawala ka na lang bigla pagbukas ko ng mata kong biglang kumurap...
Na dati-rati tayo ay masayang nakahiga sa alapaap...
Pero lahat ng yon ay hanggang pangarap na lamang.
Bumitaw ka iniwan mo ako...
Iniwan mo akong hanggang ngayon ay nakakapit pa rin sayo...
Ayaw kitang makita,
Pero miss na miss na kita.
Ayoko na sayo dahil iniwan mo ako...
Pero leche ikaw pa rin ang sinisigaw nito...
Ikaw pa rin ang sinisigaw ng durog na durog ko ng puso
Akala ko sa atin naka-ayon ang may Kapal pero hinde eh!
Pinaglayo Niya tayo...
Kinuha ka Niya...
Kinuha ka Niya sa akin...
Pero anong mgagawa ko?
Kung langit na mismo ang nagdiktang tayo ay mapaglayo...
Gusto kong bumalik sa panahong una tayong nagtagpo...
Gusto kong ayusin ang pagmamahalang nating naging magulo.
Gusto kong bumalik sa panahong sinisigaw ko pa lang ang pangalan mo...
Siguro kapag nangyari yon...
Hindi na ako aalis sa panahong 'yon...
Hindi ko pipiliing iwan ka...
Hindi ko pipiliing kalimutan ka...
Ang future na dapat sabay nating itataguyod ng magkasama...
Ay mauuwi sa wala at mapapalitan ng lungkot at kawalan ng pag-asa...
Ayaw kitang kalimutan...
At kailan man hindi ko pipiliing kalimutan ka...
Anong kalaseng future na ba ang mangyayari sa akin
Gayong wala ka na sa aking piling?
Magkikita pa ba tayo?
Papayagan pa ba tayo ng Heaven na magkitang muli kahit sa huling pagkakataon?
Hindi ko na alam ang sagot...
Basta isa lang ang alam ko...
Hihintayin pa rin kita...
Kahit nakakapagod na...
Hihintayin pa rin kita...
Kahit alam kong wala na akong hinihintay pa...
Mahal na mahal kita...
Kahit wala ng sagot akong na makukuha...
Pero bahala na...
Aasa pa rin ako kahit alam kong wala na...
Aasa akong muli pa rin tayong magkikita.

SPOKEN POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon