BAGYO NG KAHAPON

253 3 0
                                    


Ulang hindi matigil sa pagbagsak,

Tulad ng luhang ayaw tumigil sa pagpatak,

Kidlat sa langit na parang may pakpak,

Sa lakas ng pagtama sa lupaang nabiyak,




Tibok ng pusong ayaw huminahon,

Sa pag-iisip na baka 'di na makaahon,

Sa lalim ng bahang sa bahay ay naiipon,

Takot at kaba sa aking puso'y nagtitipon,





Malamig na simoy ng hanging sa mukha ko ay humahaplos,

Habang mata ay nakatingin sa mga taong humahangos,

Pinikit ng mariin ang mga mata't nanalig sa Diyos,

'Di inalintana ang luhang ayaw tumigil sa pag-agos,






Oh aking tagapagligtas na Panginoon,

Hindi na namin alam ang gagawin ngayon,

Tulungan niyo po kami Diyos at sagipin,

Sa problemang di na namin alam ang dapat gawin,







Pagkatapos ng matinding hagupit ng bagyo,

Iniwan niya kami na walang kahit ano,

Ngunit alam kong kaya namin ang makabangon,

Dito sa matinding bagyo ng kahapon,








Muling minulat ang mata at tinignan ang paligid,

Na pangiti at hindi mapigilang luhang mangilid,

Salamat Diyos sa pagsagip sa amin,

Sa trahedyang 'di na namin alam ang dapat gawin,








Nakita na muli ang tunay na kulay,

Nang makamit natin ang minimithing tagumpay,

Pagkatapos ng bagyo'y bahag-hari ay naghihintay,

Salamat sating Diyos na sa atin ay gumagabay.

SPOKEN POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon