MARKA

379 7 0
                                    

Sa bawat grading na dumaan
Lahat ng kabataan ay tutok sa kanilang pinag-aaralan.
Mga naglalaban sa pagiging valedictorian.
Pero hindi pa rin maiiwasan ang pagtutulungan.
Pero aminin mo man,
Hindi natin maiiwasang  hindi maiinggit sa iba,
Kung mas mataas ang markang kanilang nakuha.
Ako?
Naiinggit ako aaminin ko,
Pero alam kong binuhos ko ang lahat makapasa lamang,
Nagpuyat, hindi kumain sa tamang oras,
Makagawa lamang ng project na bukas na ang deadline,
Magpupuyat at cellphone ay hindi hahawakan,
Kapag ang exam ay nalalapit na,
Mga tipikal na estudyante ay ganyan ang ginagawa,
At aaminin ko,
Ganyan ang ginagawa ko,
Pero minsan,
Kahit ibuhos mo na ang lahat,
Hindi pa rin ito sapat,
Magkasakit ka na o kahit pagpuyatan mo pa yan,
Hindi pa rin maiiwasang may mas tumaas,
Syempre,
Kapag mababa ang grado,
Pamilya mo ay magagalit panigurado,
At aaminin ko,
Nanay ko ay nagagalit kapag marka ko ay mababa,
Nadidissapoint kung nakita ang card ko,
Kung nakita ang rank ko,
Masakit syempre,
Pero alam kong tama siya,
Kahit siguro ibuhos ko na ang lahat,
Kung hindi non inabot ang expectation nila,
Hindi pa rin iyong magiging sapat,

Minsan nakakainggit na may ibang estudyante na hindi pinapakelamanan ng magulang sa pag-aaral,
Kahit pa may line of seven walang pakealam,
Nakakainggit.

Pero pumasok sa isip ko,
Ang swerte ko pala sa pamilya ko,
Na kahit laging nagagalit kapag mababa ang aking grado,
Minamahal pa rin nila ako,
Na kahit lagi kong nadidissapoint ay nandyan pa rin at ako ay suportado,
Doon ko nalaman na may pakealam sila sa akin kahit ako ay gago,
Kahit hindi ko nakamit ang kanilang gusto,
Nagpapasalamat ako at sila ang naging pamilya ko,
Na kahit mababa ang marka ko,
Nandyan pa rin sila upang suportahan ako.

Siguro...
Hindi pa ngayon ang tamang oras upang marka ko ay tumaas,
Tumaas kagaya ng hangad nila,
Lagi namang may second chance di ba?
Second chance para bumawi hindi ang ulitin ang pagkakamali,
Natuto ako,
At magsisikap ako,
Para sa kanila,
Sa pamilya ko,
At para na rin sa sarili ko,
Isa lang naman ang hangad ko eh.
Ang mataas na marka.
Ang mataas na grado
At proud akong sabihin na ang pamilya ko ang dahilan kaya nagsisikap ako....

SPOKEN POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon