Page 29. Nightmare

1.8K 44 0
                                    

HANA'S POV

Hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng mga luha ko sa aking pisngi. Ano ba ang nangyari? Kanina okay pa kami sa tawag diba? Anong nagawa ko? Bakit parang galit na galit sya?

Nakarating na kami sa Villa nya at hinagis nya sa'kin ang isang envelope.

"I want you to tell me the truth. Darling please, tell me the truth. I'm going to lost my mind!" Hindi ko maintindihan... Akala ko ito ang pinaka masayang birthday na mararanasan ko sa buong buhay ko pero bakit ganun? Parang nagiging isang bangungot?

Binuksan ko ang envelope at nanginginig ang mga kamay ko habang inilalabas ang mga pictures na nasa loob nito na ikinagulat ko. Napaupo na lang ako sa sahig at naiyak.

"So that pictures.. Did it really happen?" Parang pinapatay ako ng unti unti dahil sa boses nya na nagcra-crack na at sa mga mata nya na puno ng sakit.

"I.. I didn't meant to, Adamson! This really happened but.. I'm innocent!" Sana naging honest ako. Sana hindi ako nagsinungaling. Edi sana wala kami sa sitwasyong ito.

"Fuck.. So it's true?! You lied to me?! You kissed my bestfriend?! That fucking hurts you know that?!" Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Alam ko kaseng mali ako. Sobrang mali ako. Wala akong magawa kundi ang lumuha ng lumuha.

"Please Adamson, understand.. Listen to me first!" Lumapit sya sa'kin at hinawakan ako sa baba ko. I saw it in his eyes, he's in pain.

"Understand you? You want me to understand you?! That is bullshit! I don't wanna hear from you anymore! Well I can't blame you. Sino nga ba ako sa paningin mo? Isang hamak na demonyo lang na kinulong ka sa Villa ko at pinaglaruan." No.. That's not true Adamson! If you just know how much I love you!

"You are no longer important to me, Hana. You are just a trash to me now." Sabi nya sabay takip sa ilong ko ng isang panyo at unti unti ay nanlabo ang mga mata ko at nahimatay.

Madilim ang paligid. May isang spot light at nakita kong may lalaking nakaupo kaharap ang isang piano. Nagsimula syang tumugtog at ang bawat nota ay parang sinasaksak ako sa aking puso. Napakalungkot ng nililikha nyang musika. Sumulpot ang isang lalaking naka maskara. Isinayaw nya ako at nang maamoy ko sya, alam ko na agad kung sino ang lalaking kasayaw ko.

"Adamson..." Tawag ko sa pangalan nya. Isang matamis na ngiti ang nakita ko sa mga labi nya.

"Darling. I might be vanish soon. Sorry." Huh? What is he talking about?

"No! Don't leave me! I need you!" Naluluhang sabi ko.

"I'm sorry.. I coundn't protect you. I couldn't protect you and yet... I'll hurt you so much." Pagkasabi nya nun ay hinalikan nya ako ng marahan at bigla na lang nawala.

"ADAMSON!? DON'T LEAVE!" Sigaw ko sa kawalan.

"I love you..." Huling sabi ko kasabay nun ang paghinto ng piano.

--

Nagising ako na mabigat ang pakiramdam at masakit ang ulo. Pagmulat ng mga mata ko ay kadiliman lang ang nakikita ko. Nang maalala ko ang nangyari ay naluha ulit ako. Panaginip ba iyon? Naramdaman kong nakatali ang kamay at paa ko sa kama kaya sinubukan kong kumawala pero napakahigpit ng pagkakatali. Teka ano to? Bakit nakatali ako?!

"Happy birthday." Narinig ko ang boses ni Adamson pero hindi na ito tulad ng dati. Nakakakilabot at nakakapangtaas na ng balahibo.

"A-Adamson!?" Sinusubukan kong kumawala pero napakahigpit ng pagkakatali. Halos magsugat ang balat ko dahil sa higpit nito.

"Struggling is useless, woman." Kumirot ang puso ko dahil sa tawag nya sa'kin. Si Adamson pa ba ang kausap ko? Nakita ko sya na nasa dilim at halatang matalim ang tingin nya sa'kin.

Imprisoned By The Young GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon