Para akong mahimbing na natutulog sa isang lugar na hindi ako pamilyar. Para bang ang katawan, puso at isip ko ay nagpapahinga, kinakailangang ayusin ng mahabang panahon.
Sa mundong ito na hindi totoo mananatili ba ako ng matagal dito? Gaano katagal ko kailangang magpahinga? Hindi ba't may kailangan pa akong kausapin? Tama.. Sino nga ba sya? Bakit hindi ko maalala.. Pero ang puso ko alam kung sino sya. Kase alam ko sa sarili ko, sya ang unang taong minahal ko.
Pero sino nga ba sya? Ayaw kong kalimutan ka. Sana pagtapos ng mahaba at mahimbing kong tulog ay maalala kita.
---
LIN'S POV
She don't remember anything...? Hindi ko alam pero bigla ko na lang sya niyakap at naiyak. Hana.. Tapos na ang paghihirap mo.
"Doc, what happened? Why can't she remember anything?" Tanong ni Stephen. Nagbuntong hininga naman si doc at umiling.
"The damage in her brain is severe that's why it cause a temporary amnesia. We don't know when her memories will come back but it's best not to force her remember something that happened recently or in the past." That is awful.. Does that mean she can't remember me too?
--
Nung una kong makilala si Hana, mahiyain at mahinhin sya ngunit pag nakilala mo ay napakabait at napaka-friendly. Marami syang manliligaw noon pero kahit kailan hindi naging dahilan yun para yumabang sya.
Si Hana yung tipo ng babaeng napaka-inosente sa lahat ng bagay kaya naaabuso sya. Tulad na lang dati nung minamaltrato pa sya ng ate nya, kahit kailan hindi sya nagtanim ng sama ng loob.
Hindi nya alam kung paano magmahal, wala syang alam sa pag-ibig pero dahil kay Adamson ay natutunan nya yun. Akala ko makakabuti sya para kay Nana pero nagkamali ako. Sinira nya ang pagkatao nito at binaboy! Dinurog sya ng taong akala nyang bubuo sa kanya. Hinding hindi ko mapapatawad si Adamson kahit kailan.
She maybe weak but she has a strong heart and mind. She's different, she's the best woman you could ever met, she is natural and she is... fragile.
--
Ngayon ay nag-uusap kami ng magulang ni Nana kasama na din si Stephen at Kaye. Pinag-uusapan namin kung ano ang gagawin namin ngayong walang maalala si Hana.
"We'll give her a new name so Adamson won't find her." Panimula ni Tito Ethan. Tama, siguro nga kailangan ng mawala ng dating Hana. Kailangan nya na ng bagong buhay. Kailangan ng tuluyang mawala si Adamson sa buhay nya.
"Mr. Venzel, we will trust our daughter to you. I want you take her out of the country. Mas makakabuti kung hindi na muna sya mag stay dito sa pilipinas para hindi nya na makita ang mga bagay o lugar na magpapaalala sa kanya kay Adamson. Please, take care of her." Nagulat ako sa sinabi ni Tita Alice.. Malalayo sa'kin si Nana at nalulungkot ako dahil dun.
"It's the best for her." Pag sang-ayon ni Kaye. Napayuko na lang ako. Wala akong magagawa dahil sila ang may karapatang magdesisyon para sa buhay ni Nana at sila din ang may alam kung ano makakabuti sa kanya. Kung hindi nya lang sana nakilala si Adamson, hindi magyayari to. Sana hindi nya na lang minahal ang lalaking yun. Edi sana hindi sya nagdudusa ngayon..
Nang matapos kami mag-usap usap ay pumunta na kami kay Nana, pagkarating namin sa kuwarto nya ay gising na sya at pinapakain ni Hunter.
BINABASA MO ANG
Imprisoned By The Young General
RomanceHana was drugged by her own sister and woke up in someone's bed without knowing anything. She was accused as a whore by a man who she sleep with and imprisoned her to his Villa. Later on, Hana found out that the man is actually the Major General, wh...