IRENE'S POV
Matagal tagal na ding hindi pumapasok si Adamson. Simula nung business trip hindi na sya bumalik. Kasalanan ito ni Isla e. Kung hindi lang sana sya dumating, may pag-asa sana kami ni Adamson. Maayos sana ang buhay namin ngayon at masaya sana kami ngayon. Bakit ba kasi kailangan nya pang um-epal?
"Uy Irene! I have good news!" Bungad ni Monique. Ano naman kaya yun? Sana lang about na kay Adamson yan.
"Uy! Bakit parang hindi ka interesado? Alam mo ba, nagpadala si Boss ng invitation! Ini-invite nya tayo sa birthday party!" Boss? Ang tinutukoy nya ba ay si Adamson?
"Tell me about it!" Sabik kong sabi habang nakahawak pa sa magkabilang braso nya.
"Okay okay... Kalat na sa buong building na nagbalik na si Boss. Tapos kanina nagpadala sya ng invitation, pili lang na employees ang invited. At kasama tayong dalawa dun!" Talaga?! Hindi ako nakalimutan ni Adamson! Sabi na e.. Marerealize nya din ang worth ko.
"Kaninong birthday ba?" Tanong ko at si Monique naman ay napaisip.
"Basta yung pangalan nung may birthday, Hana Hestia Hudstone." Huh? Sino naman yun? Bahala na. Ang mahalaga ay makikita ko sya ulit.
Natapos na ang trabaho at ang mga invited sa party ay nagsi-ready na.
"Tara na, Irene! Bawal tayo ma-late. Dapat mauna tayo doon kesa sa celebrant. Hindi daw kase alam nun na may party pala sa Villa ni Boss e." So sa Villa pala ni Adamson gaganapin yung party?! Ang swerte ko naman! Makakapunta na din ako sa Villa nya.
"Sige tara na. Ako na ang tatawag ng taxi." Sabi ko at nagpara na ng taxi. Nang makasakay kami ay hindi ko maiwasang mapangiti. Namiss ko sya. At sobrang saya ko dahil makikita ko ulit ang mukha nya.
30 minutes ang lumipas at nakarating din kami Villa ni Adamson. Napakaganda at ang luxury tignan! Talagang napakayaman nya. Tapos ang dami ding guards at maids na nag aasikaso sa mga bisita.
Pumasok na kami sa loob at medyo madami na din pala ang tao. Nasaan na kaya sya?
"Finally, the birthday girl is here!" Napatingin ako sa mga dumating at nagulat ako nang makita si Adamson na kasama si Isla habang nakahawak pa ito sa baywang. Napahawak ako sa dibdib ko. B-Bakit sila magkasama ngayon? Hindi ba't may boyfriend ni si Isla?!
"I'm so glad that you and my son are back together, hija! I always think that you two are meant for each other. Anyway, happy birthday." Sabi nung magandang babae. Ibigsabihin sya ang mama ni Adamson? Anong nagbalikan? May past ba si Isla at Adamson? Gustong gusto ng mama ni Adamson si Isla...
"That's enough, Ma." Iritang sabi ni Adamson saka hinila si Isla pabalik sa kanya. Napakasakit ng puso ko.. Para akong unti-unting dinudurog.
"My gosh son, don't show your possessiveness here." They are look so perfect for each other. I have no match to her.
"Wow, Si Boss na saka si Ms. Evans? Bakit ganun? Akala ko ba Hana ang pangalan nung may birthday? Bakit si Ms. Evans ang binabati nila?" Sabi Monique samantalang ako nagpipigil ng luha. Teka.... Naalala ko na. Hana ang pangalan nung first love ni Adamson. Hindi kaya... Si Isla at Hana ay iisang tao lang?
"Uy, Irene? Okay ka lang ba? Bagay na bagay si Boss saka si Ms. Evans no? Pareho silang perfect." Kahit sa mata ng ibang tao, kayo ang bagay. Samantalang ako? Di hamak na ordinaryong babae lamang.
"Oo.. O-Okay lang ako. Oo nga, bagay sila." Sabi ko saka ngumiti ng pilit. It sucks when I have to act like it wasn't a big deal when it was actually breaking my fucking heart.
Napakuyom ako ng kamao at napayuko. Hindi.. Hindi dapat mangyayari to kung di sya um-epal. May pag-asa sana ako kay Adamson kung hindi lang sya sana dumating!
![](https://img.wattpad.com/cover/173791807-288-k598323.jpg)
BINABASA MO ANG
Imprisoned By The Young General
RomansaHana was drugged by her own sister and woke up in someone's bed without knowing anything. She was accused as a whore by a man who she sleep with and imprisoned her to his Villa. Later on, Hana found out that the man is actually the Major General, wh...