Page 33. Fear Of Losing You

1.7K 40 0
                                    

ISLA'S POV

Pagmulat ng aking mata, nakita ko ang sinag ng araw at nagpagtantong umaga na pala. Napalingon ako sa aking kanan at nakita si Hubby na mahimbing pa rin ang tulog at nakayakap pa sa akin. Ang cute mo talaga matulog hubby!

Inalis ko ng dahan-dahan ang braso nya sa pagkakayakap sa'kin. Lagi na lang kase sya yung gumagawa ng almusal pa sa aming dalawa, this time ako naman!

Lumabas na ako ng kuwarto at pumunta na ng kusina. Nagsimula na akong magluto ng paborito nyang pasta at pagkatapos naman nito ay titimplahan ko sya ng paborito nyang kape. Habang naka-focus ako sa pagluluto ay nagulat ako ng may yumakap sa akin mula sa likod.

"Goodmorning

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Goodmorning.. Wifey." Si Hubby lang pala amp! Magulo pa ang buhok nya dahil sa bagong gising lang sya pero napansin kong namumutla sya kaya napahawak ako sa noo nya.

"Hala! Inaapoy ka ng lagnat, Hubby!" Inalis nya ang kamay ko sa noo nya at inilagay sa pisngi nya. Ang init nya talaga..

"Because you set me on fire, baby." Talaga tong lalaking to! Kung ano-anong kalokohan pa ang sinasabi, ang taas na nga ng lagnat nya.

"Stop joking around, Stephen Wade! Bumalik ka sa kama at ako na ang bahala." Napakamot naman sya sa ulo at umupo sa sofa. Binuksan nya ang t.v saka tumingin sa'kin at kumindat pa. Argh!

"Sabi ko sa kama! Ang pasaway mo talaga!" Para akong nanay na sinasaway ang anak nya at may sandok pa sa kamay.

"I'm fine, wifey. Wag kang mag-alala sa akin, strong ako no." Geez! Wala talaga syang pakialam sa health nya. Dahil nga sa inis na ako sa lalaking to ay ako na mismo ang humila sa kanya paakyat sa kuwarto. Strong daw pero halos matumba-tumba sya sa paglalakad.

"Hey.. Are you listening to me? Okay nga lang ako, wifey." Nang makapasok na kami sa kuwarto ay hiniga ko sya sa kama.

"You listen to me, Stephen Wade Venzel. You need to rest. Now wait here and I will bring your meal." Nang akmang aalis na ako ay hinawakan nya ako sa kamay.

"But how about the meeting?" Kaya pala. Kaya pala kahit may sakit sya ay ayaw nyang ipakita dahil nag aalala sya na baka di ako pumunta dun.

"Puwede naman sa ibang araw yun, hubby e. Ang importante ay ikaw. Gusto kitang alagaan.." Ngumiti ako sa kanya. Tuluyan na akong lumabas ng kuwarto at bumaba na ulit para gawin yung pasta. Mas sasarapan ko pa to para talagang mawala ang sakit mo hihi.

Nang matapos kong ihanda ang pasta at kape ay nilagay ko na iyon sa tray at dinala kay Hubby. Pagkapasok ko ng kuwarto ay nagulat ako nang makitang naka top less na sya.

"W-Where's your shirt?! Bakit mo tinanggal??" Nilapag ko na ang tray sa mesa at tumalikod lang sa kanya. Ano ba?! Namumula tuloy pisngi ko.

"It's hot here." Ah.. Oo nga pala pinatay ko yung aircon para mainitan sya. Humarap na ako sa kanya at nag tungo sa kama at umupo.

Imprisoned By The Young GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon