STEPHEN'S POV
Mahirap pakawalan ka... Pero mas mahirap kung pipilitin kitang mahalin ako.
Pero wag kang mag-alala, pag nabigo ka nandito ako para saluhin ka ulit. Pag sinaktan ka nya, handa akong gamutin ka ulit. Kase ganun kita kamahal e...
Nakakamiss yung masasayang araw natin. Yung mga araw na ako pa ang mahal mo. Mga araw na ako ang dahilan ng pagngiti at pagtawa mo. Mga araw na wala tayong pake sa paligid natin basta tayo, masaya.
Hindi ko pa nga talaga kaya... Hindi pa.
6 MONTHS AGO...
"Stephen alis muna ako ha? May aasikasuhin lang kami ni Oliver. Babalik din naman kami." Tumango lang ako bilang sagot at saka pinagpatuloy ang pag-lilinis ng kuwarto ni Isla. Actually, sila ang nakatoka ngayon sa pag-alaga at pagbantay sa kanya pero ako, walang schedule schedule sa'kin. Aalagaan at babantayan ko sya hanggang sa magising sya. Gusto kong maramdaman nyang nandito ako, naghihintay sa kanya.
Nag ring ang phone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa ko. Nabalot ng pagtataka ang isipan ko ng makita ang pangalan ni Red sa screen ng phone ko. Why is He calling me now?
"What do you want?" Ang akala ko, kakamustahin nya si Isla o tatanungin kung nasaan ito pero nagkamali ako.
"Wade. I called you because... I want to say something important." Bakit parang napakaseryoso yata ng boses nya? Nanatiling tahimik ang bibig ko at hinintay ang susunod nyang sasabihin.
"Actually, this is hard for me. Pero nung nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko, may na-realize ako... Hindi naman mahalaga kung ako ang minahal nya dati e. Kase ang mas importante ay ang kasalukuyan hindi ba? Na-realize ko, masyado ko na syang nasaktan at nadurog. Hindi nya deserve ang isang katulad ko. Wala akong nagawang tama sa buhay ko. Puro sarili ko lang ang iniisip ko... Hindi ko naisip ang nararamdaman ni Hana. Hindi ko inisip kung ano ba ang kagustuhan nya. Mas mabuti nga siguro kung papalayain ko na sya. Para maging masaya na talaga sya, pinapaubaya ko na sya sa'yo, Wade." Ang tapang mo Red. Hindi ko akalaing kakayanin mo to, hinahangaan kita.
"Are you sure? There's no turning back, Red." Pagsisiguro ko. Tumawa lang sya ng mahina sa kabilang linya.
"Yeah.. I'm sure. You're the one who can make her happy now. I'm really glad because it's you. Atleast I'm assured that she'a safe and happy. Take care of her, Wade. She's my life and everything so... I want you to give her the world. Anything that will make her smile. Take her to the moon for me okay? I... I..." Hindi nya na natuloy ang sasabihin nya dahil pinatay nya na ang tawag. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya. Kahit pa hindi ko sya nakikita, halata sa boses nya na naiiyak na sya.
Naka-received ako ng text at galing yun sa kanya.
From: Red
Sorry, binaba ko ang tawag. Alam mo namang nagpapagaling pa ako sa ngayon. Nandito ako sa Spain para magpagamot. Mag-iingat kayo lagi.
Pagkatapos ng text nyang iyon ay nasundan pa ulit yun ng isang message. Isang message kung saan sinabi nya ang address nya sa Spain.
Salamat, Red. Kase pinaubaya mo na sya sa'kin. Huwag kang mag-alala. Aalagaan ko sya at mamahalin.
HANA'S POV
"So he's not dead?! Psh! He just french leave you. What a coward!" Galit na sabi ni Hunter. Anong dahilan, Adamson? Bakit hindi ka bumalik? Okay ka lang ba?
"Calm down, cous! Atleast we have a clue where he is. Best, bukas na natin hanapin ang address nya. Sama sama natin syang hanapin okay?" Sabi ni Lin pero... Nakapagdesisyon na akong pumunta ng Spain ngayong gabi. Hindi na ako makakapag-antay pa ng bukas. Sorry, Lin. I must find him.
BINABASA MO ANG
Imprisoned By The Young General
RomanceHana was drugged by her own sister and woke up in someone's bed without knowing anything. She was accused as a whore by a man who she sleep with and imprisoned her to his Villa. Later on, Hana found out that the man is actually the Major General, wh...