Page 38. This Time, For Sure

1.7K 41 2
                                    

LIN'S POV

Kawawa naman ang bestfriend ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa mga sinabi nya sa akin kagabi.

Flashback...

"Saan ka nanggaling?! Bakit basang basa ka?" Nag aalala kong tanong ng makita si Lala na basang basa at halatang umiyak dahil sa maga ng mata nya.

"Lin.. Anong gagawin ko? Sabihin mo naman sakin oh." Anong ibig nyang sabihin?

"Halika nga dito. Ano bang nangyare?" Pinunasan ko ang ulo nya gamit ang panyo ko. Nagulat ako ng yumakap sya sakin at umiyak.

"Masama akong girlfriend! Napabayaan ko si Hubby! Habang nagdudusa sya, ako naman ay nakakaramdam ng kakaibang saya sa ka-business partner ko! Bakit ganun, Lin? Mahal ko si Hubby at hindi ko sya kayang lokohin.. Pero sa tuwing makakasama ko si Adamson, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Lin.. sabihin mo naman oh. Anong dapat kong gawin?"

End of flashback..

Sinabi ko na kase kay Stephen e. Huwag nya ng paglapitin pa ang dalawa. Kase alam ko na hahantong sa ganito e. Alam kong kahit nakalimot ang isip ni Hana, ang puso nya ay hindi.

Sa ngayon ay pinagpahinga ko muna si Best at ako ang nagbabantay ngayon kay Stephen. Habang nag cecellphone ay napansin kong gumalaw sya kaya huminto muna ako sa ginagawa ko.

"Oh, Kamusta ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba?" Tanong ko nang makatayo ako sa kinauupuan ko.

"Nasan sya? Nasan si Isla?" Mahal na mahal mo sya pero ginawa mo pa rin ang alam mong sisira sa relasyon nyo. Baliw ka din e no?

"Pinagpahinga ko muna sya, umuwi sya kani-kanina lang. Hoy ikaw, sabihin mo nga sa'kin. Siraulo ka ba?" This time nakaupo na ako at nag crossed arms.

"What makes you say that?" Tumingin lang sya sa bintana.

"Kase naman, hindi ko maintindihan. Bakit ba kase hinayaan mo pa yung dalawa magkita?" He let out a sigh and I can feel the presssure he's feeling now.

"Ewan ko din. Gusto ko lang malaman kung ako pa din ba ang mamahalin ni Isla kahit pa magkita sila ni Adamson. Ayoko kaseng mahalin nya ako dahil alam nyang ako ang boyfriend nya kundi mahal nya ako dahil ako talaga ang nilalaman ng puso nya. Oo siguro nga martyr ako. Pero.. Paano ko malalaman kung hindi sila magkikita hindi ba?" Ako naman ang napabuntong hininga.

"Dahil sa ginawa mo naging kumplikado ulit ang mga bagay bagay. Anyway, magpahinga ka na ulit. Maya maya ay darating na si Hunter para pumalit sa akin. And please ha! Wag kayo mag away tsk! Sige na mauna na ako. Get well soon, Stephen." Sabi ko at pumunta na sa may pintuan.

"Thankyou, Lin." Ngumiti lang ako at tuluyan ng lumabas.

Naglalakad na ako sa may parking lot nang may maramdaman akong may nakasunod sa'kin. Subukan mo lang akong sugurin, makakatikim ka sa'kin!

Nagulat ako nang may humawak sa braso ko at ng lumingon ako ay nakita ko si Adamson. Shit!

"I need to talk to you." Sapilitan kong inalis ang kamay nya sa braso ko. Hanggang ngayon ay galit pa din ako sa lalaking to.

"Ang kapal mo din e no? Pagkatapos ng lahat lahat ng kademonyohang ginawa mo noon, ngayon kakausapin mo ko na parang wala lang? Aba, General Earl nahihibang ka ata?" Hindi sya sumagot at nanatiling tahimik.

"Lin.. Alam ko napakasama kong tao. Alam kong wala akong karapatang harapin o kausapin ka ngayon pero ikaw lang ang pag-asa ko. Pakiusap.. Kahit ngayon lang ay pagbigyan mo ako." Wow. Totoo ba to? Ang walang puso at demonyong si Adamson ay nagmamakaawa at nagpapakumbaba? Just wow.

Imprisoned By The Young GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon