After Life

4K 71 19
                                    

HANA'S POV

Simula nanaman ang klase at ngayon ang first day ko sa highschool. Excited pero medyo kabado dahil nga sa mahiyain ako at mababa ang confidence.

"And now you're done!" Sabi ko sa repleksyon ko sa salamin nang matapos talian ang buhok ko.

"Hannnaa! Let's go! The entrance ceremony will start soon!" Nang marinig ko iyon ay napatingin ako sa labas ng bintana at nakita ang mga kaibigan ko na kumakaway.

"Oo ito na! Bababa na!" Sabi ko at kinuha na ang bag ko saka bumaba ng hagdan. Nang makalabas ng bahay ay binati ko sila ng 'Goodmorning'

"Goodmorning Rea, Yumi!" Masigla kong bati sa kanila.

"Goodmorning! Alam nyo ba, magsasalita sa harapan ngayon ang bagong Student Council President! Napaka guwapo nga daw e! Haist.. Hindi na ako makapaghintay na makita sya!" New student council president?

"Kyaah! Narinig ko din yan sa ibang mga students! Ako din, excited na! Kahit sino naman ay magkakandarapa sa ganung mukha no!" Dagdag pa ni Rea. Napangiti na lang ako. Gustong gusto ko kasi ang mga ngiti nila pag pinag-uusapan nila ang taong gusto nila. Ako kaya? Na-inlove na kaya ako sa past life ko?

I'm always thinking, why do I have no memories about my past life? I want to know... If someone really love me. If someone also cherish me. If someone...

"Sino ba yang president na yan at parang sikat na sikat?" Nagtatakang tanong ko. Tinignan nila ako nang gulat.

"What?" Tanong ko habang naka shrug. Ang weird ng mga to.

"Don't tell me hindi mo kilala ang napakaguwapo, matalino at mayamang si Adamson Red Earl?" Nang sabihin nya ang pangalan ay parang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Somehow, his name is familiar.

"Hay naku! Wala namang bago jan kay Hana no! Simula pa lang ng dumating sya dito, mahiyain na at inosente. No wonder wala syang alam sa mga ganyan." Teka, complement ba yun? Tss.

"Ay alam nyo ba yung sabi sabi? Na pag napunta ka daw sa after life, kahit kilala mo o mahal mo ang isang tao, pagdating nyo doon, hindi na kayo magkakilala? OMG! Baka may relasyon kami ni Pres sa past life!" Ganun? So puedeng kahit sino dito, puedeng kilala mo or kamag-anak mo?

"Ay e paano kung tibo pala ako dati tapos may relasyon tayong dalawa? HAHAHA!" Natatawang sabi ni Yumi. Si Rea naman ay nandidiri.

"Tama na nga yang kalokohan nyo. Baka ma-late pa tayo." Sabi ko sa kanila. Pero sa totoo lang napaisip din ako. Paano kung... May asawa pala ako sa past life ko? Nandito din kaya sya o... Wala?

ENTRANCE CEREMONY...

Wow... Ang ganda ng mga cherry blossom trees! Feel na feel ko ang spring!

Sa totoo lang, simula nung dumating ako dito sa mundong ito, i've been feeling empty. Masaya naman ako kasama tong sila Yumi at Rea pero parang may kulang? Minsan may parang hinahanap ako pero di ko alam kung ano at sino. Ang weird pero ganun ang nararamdaman ko.

Nang makapasok kami sa Gym ay marami na ang mga estudyante sa loob.

"Doon tayo umupo oh! Doon yung section natin e!" Kahit kailan napakalakas ng boses nito ni Yumi haist.

Umupo na kami sa upuan at nagsalita na nga ang principal. Actually si Rea ay nakatulog na dahil sa dami ng chika ng principal na hindi ko din naintindihan dahil lumilipad ang isipan ko.

"And now! Let's give the new student council president a round of applause! Mr. Adamson Red Earl!" Biglang nagising si Rea nang tawagin na ang bagong President. Ibang klase din tong babaeng to.

Imprisoned By The Young GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon