Page 41. Even though, It'll kill Me

1.5K 38 1
                                    

Tila ba parang nalunod ako ng mahabang panahon, patuloy na nahuhulog ang katawan sa kailaliman ng tubig. Anong petsa na nga ba? Gusto ko syang makita... Gusto ko syang makausap... Gusto kong hawakan ang mukha nya...

"Ms. Evans? Ms. Evans? Can you hear me?" Sabi ng doctor na nasa harapan ko. Ako ba ang tinatawag nya?

"Can you speak?" Tumango lang ako bilang sagot. Ang sakit ng katawan ko pati na ang ulo ko. Mabigat ang pakiramdam ko...

"Okay. Do you know why you're here?" Oo nga pala... Bakit ako nasa hospital? Inalala ko ang bawat eksena na nangyari at sa tingin ko ay alam ko na.

"Na.. Nag crash yung eroplanong s-sinasakyan ko..." Hindi ako makapagsalita ng maayos. Mukhang matagal na nahimik ang boses ko.

"That's a good thing. You're family and you're friends is outside. I'll let them know that you're okay now." Ngumiti sya sa'kin saka lumabas.

Tumingin ako sa bintana at nakita ang asul na kalangitan. Nasa labas ka din ba?

Nabalik ako sa realidad nang may yumakap sa'kin.

"I'm so happy that you're already awake!" Lin! Ginantihan ko ang yakap nya. Buti at nandito sya.

"Ayt masyado yata akong madrama. Mabuti pa at bigyan namin kayo ng time ng hubby mo hehe!" Hubby ko? Anong pinagsasabi mo Lin?

"T-Teka! Bakit pati ako?" Sabi ni Hunter habang hinihila sya ni Lin. Hunter... Nandito ka din.

"Epal ka ghorl? Hayaan mo nga sila. Moment nila yun!" Tuluyan ng umalis sila at ang naiwan ay ako at si...

Stephen?

Nagulat ako ng umupo sya sa kama ko at kinuha ko ang kamay ko.

"Wifey... I'm so glad that you're awake now." Wait.. Why are you calling me that? Naguguluhan ako. Nasaan si Adamson? Ano na ba ang nangyari?

Binawi ko ang kamay ko sa kanya at napahawak sa ulo ko.

Nagka amnesia ako....

Oo, nagka amnesia nga ako! At si Stephen... Ang kinililala kong nobyo.

"W-What's wrong? Masakit ba ang ulo mo?" Tinignan ko si Stephen at siguro.. Itatago ko muna ang katotohanang bumalik na ang ala-ala ko.

"W-Wala.. May favor sana ako." Ngumiti sya sa akin ng maamo. Anong gagawin ko? Hindi ko masuklian ang ngiti nya.

"Anything for you, my baby." I can't imagine him calling me that. It's just too unreal.

"Puede bang hayaan nyo muna ako mag-isa?" Nagulat sya pero hindi nagtagal ay napangiti din sya.

"I understand. Just call us when you need anything." Sabi nya saka hinalikan ako sa noo at umalis na. Sorry Stephen.. Hindi ko pa kayang magpanggap na mahal kita.

Ilang araw na ba ang nakalipas? Napakatanga ko... Bakit nasabi ko kay Adamson yun?

"No! I can't live without you.. Please come back to me.. Pag wala ang pagmamahal mo, hindi ko kayang ipagpatuloy ang buhay ko."

"Then kayanin mo! Kase hindi ikaw ang nasa puso ko.. Hindi kita naaalala, Adamson. At kahit pa bumalik ang ala-ala ko, hindi pa rin ikaw ang mahal ko. Si Stephen lang ang nasa puso ko at sya lang ang mamahalin nito."

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit sakit! Bakit nabitawan ko ang mga katagang iyon? Hanggang ngayon... Hanggang ngayon Adamson... Ikaw ang laman nitong puso ko! Hindi ka nawala! Mahal na mahal pa rin kita Darling..

LIN'S POV

Napalingon kami ni mahal sa pinto nang makitang lumabas si Stephen.

"Oh? Bakit ka lumabas? May problema ba?" Ngumiti sya sa'min pero halata sa nga mata nya na may nararamdaman syang sakit ngayon. Anong nangyari?

Imprisoned By The Young GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon