2- Oh No!

26 3 0
                                    

Wisdom's POV


"Yes! Section A pa rin tayo mga sis!" maligayang sabi nito saka kami niyakap. Diyan ako bilib kay Sandra. Palaging positive.


Pagkatapos naming malaman ang kung ano ang section namin ay agad kaming pumunta sa room at umupo sa likod. Well, it's our usual spot. I looked around and scan the whole room. Lahat ng kaklase naming ay masaya sa muling pagbabalik ng eskwela. Kanya-kanya silang kuwento sa kani-kanilang bakasyon.


Ilang sandal ay bigla nalang may pumasok sa babaeng naka-glasses at nakasuot ng casual. She roamed her eyes around the room and smiled. Nagpatuloy ito sa paglalakad at nahinto sa gitna.


"*ehem*" panguha niya ng atensyon. "Good morning everyone. My name is Jessica Lee but I want you to call me Miss Jessie. I am your Biology 2 teacher and also your adviser." Ngumiti ito sa amin saka nagsimula itong maglakad uli. "Okay since it's first day of school, I want you to introduce yourselves starting with you." Sabay turo sa pinakaharapan.


Nagsimula na sa pagpapakilala. Hindi ko na ito binigyan ng masyadong atensyon. Halos lahat naman din sila ay kilala ko na. After a few turns, ako na susunod.


Tumayo ako saka nagpakilala. "Hi. For those who don't know me yet, My name is Wisdom Kate Reyes. 20 years old."


"Your family name is familiar.. hmmm." Huminto ito saka nag-isip. "Are you familiar with Lewis and Domini Reyes?" tanong nito sa akin ng nakangiti.


"Yes Miss. They're my parents." Maikling sagot ko at ngumiti dito.


"So here's the Head Masters' daughter." Nahihiyang tumango ako dito. "Okay Miss Reyes, You may now sit down." Naupo naman ako napatingin sa mga kaibigan ko. Magsasalita pa sana si Miss nang may biglang bumukas ng pinto ng room at pumasok.


"Sorry Maam Im late. Nahirap po kase akong hanapin tong room." Sabi ng napakapamilyar na boses. Nang marinig ko ang boses nito ay bigla akong napalingon dito para makompirma ang kutob ko.


Tila naging manhid ang katawan ko nang makita ko ang mukha niya. Nanghihina man at mukhang pawis na parang galing sa takbo ay di pa rin nito mababawasan ang pagkapamilyar ng mukha niya sa akin.


Its him..


God! Di ako makakilos. Nanatili akong nakatitig sa kanya.


"Its okay since its first day of school but reminder class, I wont tolerate late students since ako pa naman ang first subject niyo." Pagsasalita ni Miss na pumukaw sa pagkatulala ko sa kanya. Inilihis ko nalang ang tingin ko dito at tumingin sa labas ng bintana. "And lastly, here in Andrade, no one dares to call me Maam. Masyadong nakatatanda. Call me Miss Jessie and please introduce yourself since ikaw na ang last."


"Uhmm good morning classmates. My name is Apxfel Luce Villa Fuerte. 20 years old." Napatingin ako dito at nagulat nang madatnan ko itong gulat na nakatingin sa akin. "A-And I'm a transferee from Empire State University of France."


Oh no....


-----


Sino kaya ang nag-iisang Apxfel Luce Villa Fuerte sa buhay ng isang Wisdom Kate Reyes?"

Wait for my next update and continue reading to find out who he is. Don't forget to VOTE folks. Thank you.

Ciao.



My Not So Fancy Love Story(Editing)Where stories live. Discover now