24- Welcome to Palawan

4 0 0
                                    

Apxfel's POV

Pak!

Namulat ko bigla ang mata ko nang makaramdam ako ng hampas sa braso ko.

"Aray! Hey!" saway ko kay Uncle na ngayo'y nakangisi na sabay bugaw ng kamay niyang pinaghahampas sa akin. Bigla tuloy akong nahiya sa ginawa ko sa kanya kaya napaayos ako ng upo. "Ehem. Dare to disturb my sleep again or I'll kill you." seryosong pagbabanta ko dito pero tumawa lang siya. "What is it?! Bakit nanghahampas ka bigla?"

"Sasabihin ko sana na nandito na tayo pero di ka nagising kaya hinampas kita." sagot nito habang nakataas ang nuo na parang proud na proud pa sa ginawa nito sa akin. Binigyan ko ito ng matalim na tingin at lumingon nalang sa bintana.

Woah!

So this is Palawan? Hmmm.. Sigurado ako nagtataka kayo sa reaksyon ko kung bakit ako namamangha ngayon? Hahahah So for the record, ang isang Apxfel Luce Villa Fuerte na nakapunta na sa iba't- ibang bansa sa buong mundo ay hindi pa nakakaounta ng Palawan. I think that explains my reaction just now.

"I saw your reaction.." rinig kong sabi ni Uncle Axe kaya iniwas ko ang tingin ko sa bintana at binaling nalang sa harap ang tingin. "Ngayon ka lang ba nakapunta dito sa Palawan?" tumango ako sa tanong niya bilang sagot. "I see."

Nang magland na ang eroplano ay unti-unti na kaming naglakad palabas ng eroplano at kinuha ang bagahe namin. Matapos naming makuha ang mga ito ay naglakad na kami papalabas ng Airport ng palawan at pumara ng taxi para dalhin kami sa isang magandang hotel.

Ilang minuto rin ang naging biyahe bago kami makarating sa hotel. Binayaran ni Uncle ang Taxi Driver at nagpasalamat rito bago bumaba at maglakad papunta sa front desk ng hotel.

"Apxfel, dun ka muna maghintay. Magbabayad muna ako ng rooms natin." Utos sa akin ni Uncle habang nakaturo sa parang living room ng hotel.

"Two rooms Uncle please. I dont want to share the same room with you again." Seryosong sabi ko sa kanya ng may diin. The last time na magkatabi kaming matulog jusko, tinandayan pa ako ng matandang to. Parang bading. Tsk.

"Oh sure pamangkin." nang-aasar na sabi nito at naglakad na papunta sa front desk. Wala naman akong nagawa at naglakad na din papunta sa living room at umupo sa sofa.

Kinuha ko ang phone ko at in-on ito. Tiningnan ko ang Messages nito at nanlumo ng makitang wala pa ring mensahe si Kate sa akin.

Busy ba siya? May nangyari ba pagkatapos ko siyang ihatid sa bahay nila? Di ko maiwasang maging kabado dahil mas malaki ang tyansa ngayon ni Augustong galawin si Kate dahil wala ako sa tabi niya. Aish.

Dahil sa sobrang pag-aalala, tinawagan ko ang isa sa mga tauhan ko. Hindi pa nakadalawang ring ay sinagot na niya ito. "Yes boss?"

"Nandito ako sa Palawan ngayon. Siguraduhin niyong ligtas siya at hindi magagalaw ng kalaban malinaw?" walang ekspresyon kong sabi sa kausap.

Napatingin sa akin ng may bahid ng pagtataka ang isang matandang nagbabasa ng diyaryo sa kabilang sofa kaya ngumiti ako ng matamis dito. Nag-aalangan man ay binigyan niya rin ako ng ngiti at bumalik na sa pagbabasa ng diyaryo.

"Copy boss." sagot nito sa akin sa kabilang linya.

"Good. Aasahan ko kayo." sabi ko at pinatay na ang tawag.

Matapos ang ilang minutong paghihintay ay bumalik na si Uncle Axe na may dalang dalawang Access Cards.

"Ba't ang tagal mo?" tanong ko sa kanya at kinuha ang gamit ko. Binigay niya sa akin ang isa sa mga access cards at naglakad na papunta sa elevator.

"Parang balisa ka ha? Okay ka lang?" balik tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya at pumasok na sa loob ng elevator.

"Anong floor kayo sir?" nakangiting tanong ng nakaupong staff ng hotel na nasa tabi ng buttons.

"4th floor please." seryosong sabi ni Uncle sa kanya. Tila nanigas naman ito tila nahimigan ang lamig ng boses ni Uncle at mabilis na pinindot nag floor namin.

"Wag mo namang takutin ang staff Uncle." napangisi ito sa sinabi ko at hindi na sumagot. Tumayo ako ng tuwid sa harap ng pinto ng elevator at naghintay nalang sa pagbukas nito.

Pagkatapos ng tatlong minuto ay bumukas ang na ang elevator at lumabas na kami ni Uncle mula rito. Mabilis kong nahanap ang room number ko kaya mabilis ko rin itong pinuntahan.

Bago makapasok sa loob ng room ko, bigla akong pinigilan ni Uncle Axe. Napaharap ako sa kanya ng puno ng pagtataka nang makita ko ang seryosong ekspresyon niya.

"Bakit po Uncle Axe?" Kahit sanay na sa medyo intense na nagaganap sa buhay ko, di ko pa rin maiwasang kabahan sa maaaring sabihin ni Uncle.

"Mag ingat ka W, may nakita akong tauhan ni Kuya kanina habang papunta tayo sa elevator. Hula ko ay baka pinapasundan niya tayo." tinalasan ko ang senses ko at iginala ang tingin ko sa hall pero pinigilan ako ni Uncle. "Narinig kong 4th floor din ang punta nila kaya gaya ng sabi ko, kailangan nating mag-ingat. Di natin alam kung kailan sila susugod."

"Qu'allons nous faire? (What are we going to do?)" pabulong kong tanong sa kanya gamit ang aming sariling wika.

"Ne vous en faites pas! (Dont worry about it!)" naiinis niyang sagot sa akin. "Just go inside your room." walang ekspresyon akong tumango sa kanya at pumasok na sa unit ko.

Bakit naman kami pasusundan ni Augusto?

-------

Sa mga naguguluhan, 'W' po ang codename ni Apxfel. Tinatawag lang siyang 'W' pag seryosong usapan na na tungkol sa underground society. French po ang ginamit na salita sa taas.

Thank you guys for reading. Wait for my next Update and dont forget to VOTE. Thank you.

Ciao.

My Not So Fancy Love Story(Editing)Where stories live. Discover now