9- Ice Cold

13 3 0
                                    

Hi guys. Since hindi ako naka-update this few days dahil wala akong load at masama yung pakiramdam ko, babawi ako ng tatlong chapters this day if kaya ko hahah. Choss.... Enjoy reading guys.

----

Wisdom's POV

Masaya akong gumising ngayong umaga kaya masaya rin akong pumasok sa school. Bago makapasok sa loob ng school ay nakita ko si Cath na naglalakad.

"Cath!!" tawag ko dito. Huminto ito sa paglalakad pero nanatili itong nakatalikod sa direksyon ko. Lalapit n asana ako sa kanya sa pag-aakalang huminto ito para hintayin ako pero bigla nalang itong nagpatuloy sa paglalakad. Tinawag ko siya ulit pero di na ito tumigil sa paglalakad hanggang di ko na siya makita.

Pagdating ko sa room ay sinalubong ako ng mapanuring mga mata ng aking mga kaklase. Balita ko ay alam na nila ang nangyari sa akin. Nahinto ang aking pagkatulala ng may humawak sa balikat ko.

"Hey don't mind them. Just continue walking and show them your smile." Bulong nito sa akin kaya napangiti ako. Tumingala ako sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti. "Ganyan nga."

"Thank you Luce." Ningitian niya ako saka hinawakan ang kamay ko upang sabayan ako sa paglalakd. Papunta palang ako sa upuan ay natagpuan ko na ang masamang tingin na binigay sa akin ni Cath. Binawi ko ang tingin ko sa kanya at yumuko nalang. Ilang minuto ay dumating na si Sandra.

"Hi Cath." Kumaway ito kay Cath at ngumiti pero dismayado ito nang wala itong binigay na sagot sa kanya. Tumingin ito sa akin pero binigyan ko lang siya ng malungkot ngiti at napakibit-balikat dahil di ko alam kung paano to sasagutin. Napagbuntong hininga nalang ito saka umupo sa upuan nito.

Di ko maiwasang isipin kung bakit naging ganito ang pakikitungo ni Cath sa amin. I know she's cold but unlike now, she's more colder.

Nang magbell ay dali-dali nitong niligpit ang gamit nito pero bago pa ito makalabas ay nilapitan ko na ito at hinawakan sa kamay but to my surprise, she swayed my hand away.

"Don't touch me." Matigas nitong sabi while she darted her ice cold eyes at me that makes me step my foot backwards.

"C-Cath.." sambit ko habang nakahawak pa rin sa kamay kong inilayo niya. Sinubukan ko siyang hawakan per lagi na siyang umiiwas.

"I said don't touch me!" sabi nito at lumabas na ng room. Ramdam kong marami ang nakatingin sa amin pero wala akong pakialam. All I care is my bestfriend.

Napatingin nalang ako sa nilakaran niya. I know people were staring at me clueless but I never gave them the attention. I'm now at the edge of crying when someone pulled me then hugged me.

"Shhh.. Its okay. You two are going to get better soon. Just give her time and space and she'll be better okay?" sabi ni Luce habang pinapatahan ako. "Hush now, Its going to be fine." Umiyak nalang ako ng umiyak sa dibdib nito at humagulhol.

what happened to you Cath?

----

Thank you for reading. Wait for my next update and don't forget to VOTE. Thank you readers.

Ciao.

My Not So Fancy Love Story(Editing)Where stories live. Discover now