3- The Arrival

20 3 0
                                    

Wisdom's POV


"Uhmm good morning classmates. My name is Apxfel Luce Villa Fuerte. 20 years old." Napatingin ako dito at nagulat nang madatnan ko itong gulat na nakatingin sa akin. "A-And I'm a transferee from Empire State University of France."


"So you're from France Mr. Villa Fuerte?" tanong ni Miss dito.


"Paris specifically Miss. We own a Car Business there." Sagot nito kay Miss habang di pa rin tinatanggal ang tingin sa akin. Una kong iniwas ang mata ko at binalik ang atensyon sa katabing bintana.


"Okay you may not sit behind hmmm... Aha! Miss Reyes right there." Pareho kaming nagulat ni Luce sa sinabi nito. Buwiset! Sa lahat-lahat na pwedeng upuan bat dito pa? Kamalas-malasan din naman kase dito sa likod ko pa ang naging bakante. "What are waiting for? Go on." Nagsimula naman itong maglakad papunta dito sa pwesto ko at umupo ng tahimik.


Ilang minuto ang lumipas ay tumunog na ang bell na siyang hudyat na lunch na.


"Hey Wis! Let's go have our lunch. You said you'll pay for everything right? Yieeee." Gigil na sabi ni Sandra habang nasa likod nito si Cath na nakasaksak ang earphones sa tenga.


Lumingon ako likod upang makita kung nadoon pa si Luce. Nang makita kong wala ito, tumango ako kila Sandra at naglakad papunta sa cafeteria.


----Cafeteria----


Lumakad ako papunta sa isang table habang nag-oorder sina Cath at Sandra. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakabalik na sila agad dala-dala ang mga pagkain.


Masaya kaming kumakain nang biglang may tumikhim sa gilid namin. Lahat kami ay napalingon dito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ito.


"Can I join you guys? There's no table available." Sabi ni Apxfel habang ginagala pa rin ang tingin upang nakahanap ng lamesang hindi ginagamit bukod sa amin. Napatingin ako sa dala nito at bahagyang napangiti.


Strawberry Milkshake and Carbonara? Always been his favorite...


Napatingin ito sa akin kaya mabilis kong inalis ang tingin ko sa kanya.


"Sure!" napalingon kaming lahat kay Cath na nakangiting nakatingin kay Luce habang pinapayagan itong umupo dito. Nagtatakang nagkatinginan kami ni Sandra at sabay na napakibit-balikat. I mean, she's always been this cold girl who doesn't care about everyone except for her phone.


Napangiti si Luce sa sagot nito at umupo sa tabi ko na kamalasmalasang bakante pala. I never gave him a glance but instead, I focused on my food. Nang matapos akong kumain ay tumayo na ako na siyang ikinagulat nila.


"Punta muna ako sa library guys. May nakalimutan kase akong ibalik na libro sa library eh. Sorry I have to go. I'll catch up with you guys later." Di ko na sila pinagsalita at tumalikod na upang lumakad palayo.


"Don't mind her Apxfel. She's always a busy girl." Rinig ko pang sabi ni Cath kay Luce. I can still feel his glance that's why I decided to walk faster.


Nang makalabas ng Cafeteria ay mabilis akong tumakbo papunta sa comfort room at dun nilabas ang matagal ko ng kinikimkim na luha.


"Bakit kapa kase bumalik?" iyak ko. "Akala ko ayaw mo na akong makita? Pero bakit ngayon? Nagpakita ka?" di ko pa rin makalimutan ang nangyari nung araw na iyo. Kahit ilang beses ko pang iuntog ang ulo ko semento, pauli-uli itong pinapaalala ng isip ko.


After I calmed myself, I washed my face and looked at the mirror. Ang pula ng mata ko! Good thing walang tao dito that's why I exited peacefully.


Pagkatapos ng bell, I quickly texted Cath na di muna ako sasabay pauwi sa kanila because I brought my car at masama ang pakiramdam ko. On my way to the parking lot, I saw a man standing near my car like he's waiting for someone.


Its him..


Di ko siya pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad.


"KATE WAIT!" tawag niya sa akin. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko pero naabutan niya pa rin ako. Hinigit niya ang braso ko upang pahintuin sa paglalakad at pilit na pinaharap sa kanya.


"Ano ba?!" hinigit ko ang braso ko pabalik pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak. "Let me go!"


"We need to talk Kate."


"About what Luce?! Para saan pa?! Were through Luce. Please stop messing with me!"


-----

Thank you for reading. Wait for my next update and don't forget to VOTE. Thank you again.

Ciao.

My Not So Fancy Love Story(Editing)Where stories live. Discover now