A/n: sorry mga readers natagalan sa pagupdate. Busy kase ako this past few days dahil sa mga practices ko for Intramurals sa school namin. For nearby readers, I invite you all to witness the Francisco Adlaon Learning Institute's Intramural Meet this coming September 29-30, 2019. Thank you guys for reading and Merry Christmas in advance.
Ciáo.
-------------
Wisdom's POV
Matapos ang naganap na tampuhan, maligaya naming sinakyan ang iba pang mga rides para di kami mabagot.
We rode the Space Shuttle, Bump Cars, Spinning Teacups and many more.
Ngayon, kakatapos lang namin sa Octopus. Grabe! Sobrang nakakahilo pero worth it naman kase kasama ko si Luce dito. Walang tigil kaming nagsisigawan habang nakasakay dun. Walang tigil naman si Luce sa pagkuha ng litrato. Like hell! Is he even scared that time? tsk.
"Talagang natakot ka sa ride na yun no?" putol ni Luce sa katahimikan. "Di ka na kase nagsasalita. Pfft." nagpipigil-tawang sabi nito.
"Shut up Apxfel Luce." pagpapatigil ko dito. "Ang unfair lang talaga. Bat di ka natakot? Sanay ka na bang sumakay dun? Akala ko nga di yun nakakatakot pero grabe." malungkot na sabi ko. Yumuko ako saka tumingin sa paanan ko. "Baka sabihin mong di ka nagenjoy sa lakad natin."
"Hey! Dont say that okay? Of course I enjoyed it." hinawakan niya ang mukha ko saka pilit itong ipinapatingin sa kanya. "Im happy whenever you're happy Kate. Okay?" nakangiti nitong sabi. Tumango ako rito saka yumakap.
"Thank you for making me this happy today Luce." pasasalamat ko saka bumitaw sa yakap. Napatawa naman ito sa ginawa ko saka ginulo ang buhok ko.
"Wag ka munang magpasalamat. May sasakyan pa tayo." oh no! "But this time, di na nakakatakot." saka ako hinila papunta sa ride na gusto niya.
I looked at my wrist watch at nasurpresa nang makitang 6PM na ng hapon. Napatingin ako sa paligid at nsgulat sa sobrang konti ng tao.
"Luce.. I think this park is going to close." sabi ko dito pero patuloy pa din ito sa paghila.
Nang tumigil ay dun ko lang nalaman na sa Ferris Wheel pala kami sasakay. Tama nga si Luce. Di naman ito nakakatakot. Maganda rin ito sa gabi dahil sa ganda ng panahon ngayon.
Matapos kumuha ng ticket ay tumingin siya sa akin. May iba sa mga tingin niya pero pilit ko itong isinawalang bahala. Tinanggap ko ang kamay nitong nakalahad at sabay kaming naglakad papunta sa ferris wheel.
Nang makapasok at makaupo ay agad rin itong umandar. Di ko mapigilang mapatingin sa labas. Ang ganda! Tumigil ang Ferris Wheel nang makarating na ang sinasakyan namin sa itaas.
Biglang gumalaw ang sinasakyan namin kaya napatingin ako kay Luce at saka nasurpresa nang makita ko itong nakaluhod. Di ako makapagsalita sa sobrang pagsurpresa.
*tug dug tug dug tug dug*
"Luce..." napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nakita ko ang pangamba sa mga mata ni Luce pero binigyan ko siya ng ngiti saka ito napagbuntong hininga at nagsimula.
"Uhmm Kate.. I know I've done terrible things before. God knows how much I want to turn back time to fix those things and change it." tumigil ito saka kinuha ang isang bagay na kanina pa nakatago sa likuran nito. Umayos siya sa pagkaluhod saka binuksan ito. "I know I cant promise but Kate.. I'll try not to hurt you. I will love you and care for you for the rest of my life." sabi nito saka nilahad ang bracelet na gawa sa ginto na may mga maliit na hearts na naka sabit rito na nakadagdag sa kagandahan nito. "Can I try it again Kate? Can I court you?"
Di na ako nagalinlangang tumango sa kanya saka napaluha. "Yes Apxfel Luce! I'll allow you to court me." dali-dali naman itong tumayo saka sinuot sa akin ang bracelet. Tiningnan ko ito sa aking kamay saka napaluha. "Thank you Luce." sabi ko habang naluluhang tumingin sa kanya.
"No, thank you. Thank you for making me the happiest man of the world for allowing me." niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Ilang sandali itong tumagal kaya napapikit ako. "I love you Kate." pabulong na sabi nito habang pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko.
"I love you too Luce." sabi ko saka yumakap sa kanya.
Naramdaman kong umandar muli ang Ferris Wheel saka kami binaba. Pinagbuksan ako ni Apxfel ng pintuan saka kami bumaba sa sinasakyan.
Nang makababa ay nagulat ako ng pumalakpak ang mga taong naghihintay sa amin sa baba. Dahil sa gulat at kahihiyan ay nagtago ako sa likod ni Luce. Naramdaman ko pa nga yung tawa niya at ang bahagya niyang pagpapasalamat sa lahat ng taong pumalakpak.
"Hey, Let's go?" tumango naman ako sa kanya saka hinawakan ang kamay niya.
Thank you for making me happy this day Luce.
YOU ARE READING
My Not So Fancy Love Story(Editing)
Teen FictionSYNOPSIS Tapos na Ayoko na Masakit na Tama na 'Ayoko na magmahal dahil palagi nalang akong nasasaktan.' Yan ang katagang palaging sinasabi ni Pareng Utak. Pero 'what if'. Lintek na WHAT IF's na yan. Pero yun nga, Dumating na naman siya sa buhay mo...