29- Grand Entrance

3 1 0
                                    

Tuloy-tuloy na to mga beshie hahaha. Enjoy Reading Guys! Dont forget to VOTE.

Ciao.

-----

Wisdom's POV

"Raze?!" gulat na tanong ko. "Anong ginagawa mo dito?"

"W-Wisdom... I-Ikaw pala. Uhmm... Family friend ako ni Sandra at pinapunta ako ng mama at papa niya para maging escort niya ngayon." sabi niya sabay kamot sa ulo. Bakas pa rin sa mukha ang pagkabigla ng makita ako.

"Hindi ko alam na nandito ko pala. Hindi ko kase nakita ang name mo sa invitation eh."

"Nagulat nga rin ako eh. Hahaha." Sabay kaming napatawa sa sinabi niya. "Kamusta?"

"Okay lang naman."

Muli ay napuno ng katahimikan ang buong lugar. Mga munting alon at ihip ng hangin lang ang naririnig ko ngayon. Again, I was able to breathe naturally dahil sa presko ng hangin. Ewan pero parang ang awkward magsalita para basagin ang kahimikang ito.

"Uhmm Wis..."

"Hmmm?"

"Puntahan ko muna si Sandra ha? Gusto mo bang ihatid muna kita sa venue?" tanong niya na agad ko namang inilingan.

"Thanks but no thanks Raze. I can manage." sabi ko sabay ngiti ng matamis. "Kaya ko ang sarili ko. Go now. She's in the unit next to mine." pagkatapos kong magsalita ay tumango ito at naglakad na papunta sa suite ni Sandra.

Sa huling beses, tiningnan ko muli ang langit bago napagdesisyunang pumunta sa Venue.

Naghanap agad ako ng upuan ng makarating sa lugar at umupo. Kinapa ko ang cellphone ko sa loob ng purse ko at nanlumo ng walang makitang anumang mensahe galing kay Luce. Sa Sobrang tulala, di ko na namalayang namatay ang mga ilaw sa loob ng venue na siyang hudyat para magsimula ang party.

3... 2... 1... ting!

Lahat kami ay napatutok sa isang videograph na ipinapakita ang buhay ni Sandra. It was beautifully edited and shown. Lahat kami ay tumawa pag may pinapakitang nakakatawa at may iba ring naging emosyonal at umiyak. Ilang minuto ang nakalipas bago natapos ang video.

"Please rise ladies and gents as we witness the 20th birthday of our beloved Miss Cassandra Alexis Conte along with her escort Raze Alistair Alfonso. Let's give them a round of applause please." sabi ng MC. Sabay kaming tumayo ng mga bisita at sinalubong sila ng palakpakan habang pababa sila mula sa itaas ng hagdan.

Matapos silang makababa ng hagdan ay inalalayan naman ni Raze si Sandra papunta sa harap para maupo. Nang makaupo sila ay pinaupo na rin kami ng MC.

Nagsimula ang party sa simpleng pasasalamat at pagbibigay ng mensahe ni Sandra at ng mommy at daddy niya para sa lahat ng dumalo sa party.

"We are so proud of you as our daughter Cassandra and I will never ever be tired of making you happy and making you remember that we love you so much and we always will. I love you Anak. We, love you." sabi ni tito at nilapitan ang umiiyak na Sandra para yakapin ito at punasan ang luha.

Matapos ang drama scene nila ng daddy niya ay bumaba na si tito mula sa stage at umupo sa pwesto niya.

"Bago tumuloy sa kainan, from the request of our dearest celebrant, let me call on Wisdom Kate Reyes to join me here in stage." napuno ng nakakabinging palakpakan ang buong lugar. Agad akong napalingon sa stage ng tinawag ang pangalan ko. Gulat man dahil sa sinabi ng MC, pinilit kong ngumiti at maglakad papunta sa stage. Gosh! I never prepared for this.

Nang makarating sa stage, binigay ng MC ang microphone sa akin. Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga para mabawasan ang kaba bago magsimula sa pagsasalita.

"So good morning everyone. Im Wisdom Kate Reyes, kaibigan po ako ni Sandra." tumahimik silang lahat at nanatiling nakatingin sa akin para makinig. "Sandra is like a sister to me since we were kids. I've been with her through up's and down's. Kulang na lang pagdugtungin ang mga ousod namin para ipakita na hindi kami mapaghihiwalay nino man." natawa naman ang mga tao sa simpleng biro. "I have witnessed her grow up from a cute child to a fine and beautiful lady----"

"How about me Wis?" rinig na rinig sa bawat sulok ng reception ang pamilyar na tinig na iyon. Napalingon ako sa dulo ng venue at duon, nakita ko siya. Agad na napuno ng bulungan ang buong lugar tila inaalam kung sino ang nagsalita. "Tinuring niyo rin ba akong kapatid ni Sandra?!" madrama nitong sabi pero di kalaunan ay tumawa ito ng napakalakas.

Namatay lahat ng ilaw sa venue. Kumabog ang matinding kaba sa dibdib ko. Rinig na rinig ang mga sigaw ng mga tao at mga panic movements nito. Sa sobrang panic, may ibang napatakbo sa labas, may nagtutulakan,  may maririnig ka ring iyak dahil sa sakit ng pagkakatulak. Di lang galing sa mga bata pati na rin sa ibang mga bisitang matatanda. This gorgeous party turned into a horrible one.

Marahas na bumukas ang main door ng venue kaya napaatras ang iba na balak dumaan duon. Tumambad sa amin ang nakangising mukha ni Cath na may kasamang hindi bababa sa dalawampung lalake. Suot-suot nito ang high-slit gown na bumagay sa kurba ng katawan niya habang may hawak na microphone.

"Hi sisies. Im back."

--------

Thank you for reading. Wait for my next update and dont forget to VOTE. Thank you readers.

Ciáo.

My Not So Fancy Love Story(Editing)Where stories live. Discover now