Second Time na po itong nasulat kong fight scene hahaha sana wag niyo akong husgahan hahahha. Im not really professional on writing hehe. Okay bye. Enjoy reading guys!
Ciáo.
-------
Wisdom's POV
"Hi sisies. I'm back." sabi ng nakangising si Cath at tumingin sa direksyon ni Sandra. "Hey Sis, ba't wala ako sa invitation? Nakakatampo ka na ha?" naaawa man pero hindi ko maiwasang matakot sa maaaring mangyari sa amin dito. My heart is even pumping fast, so fast that it makes my chest painful. Unti-unti akong napahawak dito upang pakalmahin ang sakit. Naramdaman ko ang titig ni Sandra kaya binigyan ko siya ng pilit na ngiti para mawala ang pag-aalala nito.
"Oh Wis?!" tawag sa akin si Cath. "Wag ka munang mamamatay ha? Gusto kong maramdaman mo ang lahat ng sakit na dinaranas ko dahil sa'yo! How dare you stole things from me?! Including Apxfel huh?!"
Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng nakakalungkot dahil sa dahilan niya. Di ako makapaniwala sa kanya! I can't believe love ruined her this way. She is my bestfriend for God's sake! "Cath... I never stole things from you. Luce was never yours from the very beginning. How could you ruin our friendship for love---"
Bang!
Napatakip ako ng tenga sa sobrang gulat. Napatingin ako sa kanya at nanlumo ng makita kong siya ang nagpaputok ng baril sa bubong na siyang gumawa ng nakakabinging ingay. Muli ay nagsigawan ang mga tao dahil sa putok na iyon. Nabalot ng takot ang buong lugar kaya di ko maiwasang madala sa takot na iyon.
"Oh shut up Wisdom! You know nothing!" ngumisi ito sa akin pero agad din itong nawala. What is happening to you Cathlyn?! This is not you! "Bruno!" tawag niya sa isang tauhan. "Tie her up and drag her outside!"
"Yes Miss!"
"Hurry up you piece of trash!"
Sumigaw yung lalakeng tinawag ni Cath na Bruno at naglakad papunta sa akin para talian ako.
"Wis!" umiiyak na tawag ni Sandra sa akin. Umiling lang ako dito para di na siya lumaban.
Please God! Send someone to help us. Please make us safe.
"Bruno!" sigaw ni Cath kaya napalingon ito sa kanya. "Sa kakahuyan mo siya dalhin pero wag mo muna siyang saktan. Gusto kong dadaan muna yan sa paghihirap bago malagutan ng hininga." tumango ito sa kanya at marahas akong hinila palabas. "Yung iba! Talian niyo yung mga natira rito sa loob." agad na nagsunuran ang mga ito. Sa huling pagkakataon, tumingin muna ako kay Cath na puno ng lungkot, takot, at pagmamakaawa. Agad itong natawa sa reaksyon ko. "Goodbye Wis." at yan ang huli kong narinig mula sa kanya bago tinabunan ng tela ang mga mata ko.
Oh God! Help us!
----
Agad akong hinila ni Bruno palabas. Nanghihina man pero pinilit kong manlaban mula sa kanya.
"Wag kang malikot babae! Kung hindi lang ako takot sa amo namin, kanina ko pa pinaputok ang baril ko sa ulo mo!"
Nakaramdam ako ng takot sa sinabi niya kaya dun na bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ngayon pa lang ako nasigawan ng ganon kaya labis akong natakot. Takot na takot akong nagpadala nalang sa pagkakahila niya at hindi na nagpumiglas pa.
Dahil sa piring, hindi ko alam kung nasaan na kami, naramdaman ko nalang ang paghinto sa paglalakad at pabagsak ako nitong pinaupo sa magaspang na buhangin. Pakiramdam ko'y nasa dalampasigan kami.
"Aray!" di ko na mapigilang mapadaing sa sakit ng pagkakabagsak dala na rin sa mga matutulis na gramo ng bato. "P-Pakiusap wag mo king saktan." tumawa lamang ito sa sinabi ko. Tinanggal nito ang piring sa mata ko at agad namang nag-adjust ang mata ko sa liwanag. Nilapit ni Bruno ang mukha niya sa akin kaya dahan-dahan akong napasandal sa puno. Ngumisi ang lalake dahil sa naging reaksyon ko kaya di ko na mapigilang matakot.
"Tumahimik ka kung ayaw mong ako ang pumatay sa kaibigan mong nagbi-birthday ngayon." ngumiti ito ng nakaka-asar at tumayo. Kinuha niya ang pisi at inikot sa katawan ko. "Dito ka lang muna babae at babalikan ko si Maam sa loob. Alam mo na, baka kakailanganin ang tulong ko. Hehe." bago pa man ito makatalikod sa akin, nakarinig na kami ng malakas na pagsabog na galing sa di kalayuan. "Ano yun?!" agad kaming nabahala dahil dito kaya nagpumiglas ako mula sa pagkakatali habang ang tauhan naman ay agad na tumalikod at tumakbo sa pangyayari.
"Tulong!"
------
Apxfel's POV
Tinapon ng isa sa mga tauhan ni Augusto ang bomba sa di kalayuan para magdulot ng babala sa mga taong nanduon sa isla ngayon. Matapos itong sumabog ay agad kaming bumaba sa sasakyan at sinuot ang maskara namin. Di tulad ng sinuot ko kanina, ito ay isang ordinaryong maskara lamang na tamang-tama para tabunan ang buong mukha ko.
"Allons-y!" (Lets Go!) agad kaming sumulong matapos isigaw ni Augusto ang hudyat. Sinalubong kami ng mga tauhan ng kalaban at agad namin silang pinaputukan. "Aller! Etalez immediatement!" (Go! Spread immediately) hingal na sabi ni Augusto. "Plus rapide!" (Faster!)
Tumakbo ako papuntang kanan at mabilis na pinaputukan ang mga kalaban.
Merde! Ang dami nila.
Kaya pala pinag-warm-up ako ni Dad kanina. Sa dami ng mga kalaban, siguradong tumba agad ako kung nagkataon.
Agad akong luminga sa paligid, at nang makita si Uncle Axe ay agad ko itong tinawag. "Uncle! Help me here!" sigaw ko dito at mabilis naman itong tumakbo patungo sa akin habang patuloy na nagpapaputok ng baril sa mga kalaban.
"I thought you'd never ask Apxfel!" pinaputok niya ang baril sa likuran ko. Napalingon ako sa direksyon nito at nakita kong nakabulagta ang isa sa mga kalaban. Tumango ako kay Uncle bilang pasasalamat at nagpatuloy sa pamamaril. "Merde! Bakit hindi sinabi ni Kuya to? Andami nila grabe!"
"What do you expect Uncle?" bang! "They're a big group of underground society people. That should be expected." bigla akong nadaplisan sa balikat kaya mabilis akong napalingon sa direksyon kung saan nanggaling ang bala at mabilis itong pinaputukan. Agad na nahulog ang tao mula sa puno at humandusay sa lupa. "Argh!"
"Okay ka lang Apxfel?!" sigaw ni Uncle sa likuran. Tumango ako dito at nagpatuloy sa pag-abante pasulong sa mga kalaban.
Di kalaunan ay narating na rin namin ang reception. Rinig na rinig sa labas ang pagsigaw ng tulong ng mga tao sa loob. Nagkatinginan kami ni Uncle at napangisi na tila ay naiintindihan ang isip ng isat-isa.
It's showtime people!
-----------
The longest chapter I have written so far hahahah. Thank you for reading. Wait for my next update and dont forget to VOTE. Thank you readers.
Ciáo.

YOU ARE READING
My Not So Fancy Love Story(Editing)
Teen FictionSYNOPSIS Tapos na Ayoko na Masakit na Tama na 'Ayoko na magmahal dahil palagi nalang akong nasasaktan.' Yan ang katagang palaging sinasabi ni Pareng Utak. Pero 'what if'. Lintek na WHAT IF's na yan. Pero yun nga, Dumating na naman siya sa buhay mo...