Author's note
Guys pasensya na talaga, natagalan ako sa pag-update, ang hina kase ng internet dito sa amin eh... Sorry talaga guys. I'll my best soon na tuloy-tuloy na tong update ko. Pramis. Continue Reading and dont forget to vote. Once again im sorry readers.
-------
Apxfel's POV
I know its hard. Alam ko kung gaano kahirap at kasakit ang nararamdaman ni Raze ngayon. He's hurt because of losing his mother. Now, all I need to do is to be here for him.
"My dearest condolences, bro." malungkot na sabi ko. Ngumiti ito sa akin kahit masyado ng masakit ang nararamdaman nito. "Dont smile, I know youre sad. Just cry. Dont be afraid to show your emotions." sabi ko sabay tapik sa balikat nito. "And also, im your friend. You can always lean on my shoulder."
"Thank you bro. This means so much to me." sagot nito.
Nandito kami ngayon sa lobby dahil hinihintay namin yung request form ni Raze para madala na niya ang bangkay ng mama niya sa funerarya.
I was going to talk to him nang may biglang tumakbo patungo sa akin. Si Sandra.
"Nandito ka lang pala." hinihingal na sabi nito at napahawak pa sa balakang nito na parang napagod ito sa pagtakbo. "Apxfel..."
Di ko alam pero nakaramdam ako ng kaba sa susunod niyang sasabihin. "W-What?"
"Gising na si Wisdom."masaya niyang sabi na may ngiti sa labi.
At dahil sa narinig, di ko alam kung masaya ba ako o kabado. Hell, This is really a day of mixed emotions.
-----
Ngayon ay patakbo kaming pumunta sa room ni Kate. Kabadong-kabado ako. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya pagnagkita kami.
Bago kami pumunta kay Kate ay nagpaalam ako kay Raze na tiyak ring naguguluhan kung bakit nandito si Kate. Nag-aalangan man pero pinayagan niya ako. And now, nandito na ako sa harap ng room ni Kate.
I never been this nervous before.
"Oh Apxfel. Dito ka nalang ba?" naguguluhan itong tumingin sa akin na bahagyang nakahinto sa harap ng pinto. "Di ka ba papasok? Tiyak na magiging masaya si Wis na makita ka."
"Let me just get some fresh air bago ako pumasok sa loob. Just wait for me inside." tinanguan naman ako nito at pumasok na sa loob.
Face the consequences Axpfel Luce.
Napabuntong-hininga ako at unti-unti kong hinawakan ang door knob para pihitin. Binuksan ko ang pinto at bahagyang narinig ang tawanan nina Sandra at Kate na parang nagkakatuwaan ito sa loob. But when I got in, ang kwartong puno ng tawanan ay naging tahimik.
Napatingin ako kay Kate at sinalubong ang tingin niya.
"What are you doing here?!" galit na sabi niya. "Get Out!" pagpapalayas nito sa akin.
"Please Kate let me explain please." pagmamakaawa ko rito. Naglakad ako papunta sa kanya pero pinigilan niya ako.
"I said get out Apxfel Luce!" sigaw nito at bahagyang napahawak sa dibdib nito na parang sumasakit. Napatingin ako sa heart beat monitor at nagulat sa pagbilis ng tibok ng puso ni Kate na makikita sa Monitor. "Argh!" paginda nito sa sakit.
"Are you okay? Want me to call the doctor?" tarantang sabi ko. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga braso niya pero bigla niya itong iniwas.
"Argh! Please get out parang awa mo na! Argh!" nasasaktan na sabi nito. "Out! Ahhh!" kinuha niya ang vase na malapit sa kanya saka ako sinubukang tapunan nito. Di ako nito natamaan pero nabasag ito ng mahulog sa sahig.
"K-Kate?" naluluha kong sabi.
"Apxfel, lumabas ka muna. Please." pakiusap ni Sandra "Mamaya ka muna magpakita kung handa na si Wis na kausapin ka. Masakit pa ang puso niya. Please." sabi ni Sandra.
Kaya wala akong nagawa kundi lumabas.
I hate my f*cking self!
--------
Thanks for reading guys. Wait for my next update and dont forget to vote please. Thank you once again.
Ciáo
YOU ARE READING
My Not So Fancy Love Story(Editing)
Teen FictionSYNOPSIS Tapos na Ayoko na Masakit na Tama na 'Ayoko na magmahal dahil palagi nalang akong nasasaktan.' Yan ang katagang palaging sinasabi ni Pareng Utak. Pero 'what if'. Lintek na WHAT IF's na yan. Pero yun nga, Dumating na naman siya sa buhay mo...