Apxfel's POV
Nang makapasok sa loob ng unit ko ay mabilis kong inarrange lahat ng gamit ko at nagbihis ng komportableng damit.
Sinuot ko ngayon ang Blue Sweater na binili ni Kate para sa akin nung birthday ko dahil napapansin kung dumidilim ang langit at parang uulan mamaya.
Habang patuloy pa ring nilalagay ang mga damit ko sa kani-kanilang mga lalagyan ay biglang tumunog ang cellphone ko. Marahan kong hininto ang ginagawa at pinuntahan ito. Tiningnan ko muna kung sino ang tumatawag at nang makitang si Kate iyon ay agad ko itong sinagot at naglakad sa pinakamalapit na bintana.
"Hello?"
"Luce.." sabi ni Kate mula sa kabilang linya. "Sorry hindi ko nasagot ang mga text at tawag mo ha? Pumunta kase kami ng El Nido dahil birthday ni Sandra at invited ako." mahaba niyang paliwanag. "Are you mad?"
"Of coure not, you silly." I can even imagine her pouting now hahaha. "Sino pala kasama mo?" tanong ko sa kanya.
"Kasama ko ang isang bodyguard ko kase di papayag si Dad na lalabas akong walang kasama. Pero nandito rin si Cassandra pati family niya." sagot ni Kate. "Wisdom tayo na! Kailangan na nating mag-ayos!" rinig kong mula sa kabilang linya.
"Who's that?"
"Oh its Sandra. Luce, I'll call you back later okay? Bye." Paalam ni Kate at akmang papatayin ang tawag ngunit pinigilan ko siya. "What is it?"
"Take care Kate." seryoso kong sabi sa kanya na may bahid ng pag-aalala sa maaaring mangyari sa kanya habang wala ako sa tabi niya.
"I will. Bye Luce." natatawang sabi niya at tinapos ang tawag.
'Sana walang mangyaring masama kay Kate kung saan man siya ngayon.' sabi ko sa hangin at dumiretso sa kama para humiga.
Ilang sandali ay nilamon na rin ako ng antok at muling nakatulog.
Zzzzz...
------
Wisdom's POV
"I will. Bye Luce." Sabi ko at nakangiting tinapos ang tawag.
"Your smile is big and its freaking me out hahaha." napatawa naman ako sa sinabi ni Sandra. "Sino ba kase ang tumawag at naging ganyan kalake ang ngiti mo?" tanong ni Sandra na nakatayo sa likod ko at nakapa-meywang.
"Si Luce lang naman." sabi ko sa kanya saka nilagay ang phone ko sa sling bag.
Tinaasan niya ako ng kilay saka nagtanong ulit. "Wis, What's the real score between you and Apxfel? Alam mo namang hindi ako tanga para hindi makapansin diba?" lumapit ito sa akin at umupo sa kama ng kwarto ko dito sa resort. "You can tell me everything Wis."
"Uhmm.. Remember Activity Day?" tumango naman ito kaya nagpatuloy ako sa pagkuwento. "Dinala ako ni Luce sa Amusement Park at----"
"Wis! Diba bawal ka dun?!" sigaw sa akin ni Sandra.
"Hahaha. I know pero Luce tried everything para hindi sumakit ang dibdib ko. Hindi kami sumakay sa mga extreme rides except nalang sa octopus." napatawa ako ng maalala ko kung gaano kami kasaya nung araw na iyon. Napatingin naman ako kay Sandra na ngayon ay nakangiti na rin.
"Then?"
"Then after those rides, sumakay na naman kami ng ferris wheel and I didn't expect na hihingi ng permiso si Luce na manligaw sa akin nung araw na iyon." Napatili naman Si Sandra sa sinabi ko kaya di ko maiwasang mapatakip ng tenga. Good thing this room is sound proof.
"So manliligaw mo na siya ngayon?" tanong niya. Tumango naman ako at namula. Grabe, ramdam na ramdam ko ang init ng pisngi ko. "I knew it hahaha." napatawa naman ako sa kanya. Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Congratulations!"
"Thank you Cassandra." Nakangiting sabi ko sa kanya.
Umupo siya ng maayos sa kama at hinawakan ang dalawang kamay ko. "But remember Wis, Boys bring Heartbreaks. Alam mo naman ang ibig sabihin nun diba?" tumango naman ako sa kanya at ngumiti. Ginulo niya ang buhok ko at tumayo na. "I'll go na. Mag-aayos na ako. Papupuntahin ko nalang ang isa sa make-up artist para ayusan ka dito okay?"
"Thanks Sandra!"
"Sus! Oh sige na welcome." natatawang sabi niya at sinarado ang pinto.
Nandito kami ngayon sa Palawan since dito naman gustong magbirthday party ni Sandra simula pa nung bata kami pero ngayon lang siya napagbigyan ng parents niya. Tulad ko, workaholik rin ang parents ni Sandra.
Naglakad ako papunta sa bintana para tingnan ang view ng dagat. Nawala na rin ang kaninang ulan kaya bumalik na ang pag-asul ng langit. Iginala ko ang tingin ko at nagulat nang may nakita akong isang pamilyar na imahe ng tao. Kinurap ko ang mata ko pero pagbukas ko ay wala na ito.
Is it really her? I think I just saw Cathlyn.
------
Thank you fro reading. Waut for my next update and dont forget to VOTE. Thank you readers.
Ciao.
YOU ARE READING
My Not So Fancy Love Story(Editing)
أدب المراهقينSYNOPSIS Tapos na Ayoko na Masakit na Tama na 'Ayoko na magmahal dahil palagi nalang akong nasasaktan.' Yan ang katagang palaging sinasabi ni Pareng Utak. Pero 'what if'. Lintek na WHAT IF's na yan. Pero yun nga, Dumating na naman siya sa buhay mo...