CHAPTER 12 episodes

5.1K 75 1
                                    

( Punyal )

Noong taong 1981, masuwerteng sa Teacher’s Camp, Baguio City idinaos ang taunang National Secondary Schools Press Conference. Maraming taga-probinsiyang mga delegado ang tuwang-tuwa dahil makakapunta sila ng libre sa Summer Capital of the Philippines. Kabilang na roon ang magkaklase at magpinsang Andrea at Brando. Sila ang contestants ng kanilang school sa English news writing at feature writing.

“P-parang haunted house pala ang mga modelo ng bahay dito sa camp, ‘insan. Pati mga puno ay katulad din sa setting ng mga horror western movies!” komento ni Brando na pumipilantik pa ang mga daliring nakaturo sa dinadaanan nilang pine trees.

Unti-unting bumabangon ang naiidlip na sanang takot sa isipan ni Andrea. Bago kasi sila umalis ng probinsiya, may narinig na siyang kuwento tungkol sa naninirahang white lady daw sa naturang camp.

“Ayyy, white lady!” sigaw ni Brando.

Lahat ng mga delegadong nakarinig ay naalarmang huminto sa pag-akyat sa burol.

Inis na tinulungan ni Andrea ang nadapang pinsan.

“Kalalaki mong tao e daig mo pa’ng babaing lampa, Brando!”

“Correction! Brenda!”

“Brenda – mage!” inikot ng dalagita ang eyeballs.” Halika na! Nakakahiya sa adviser natin. Mas nauna pa siyang nakarating sa burol gayong kuwarenta anyos na ‘yun, ha!”

Dahil nanggagaling na sa buong Pilipinas ang mga delegado, madaling napuno ang mga quarters na malalapit sa Social hall, Conference rooms, at Mess hall.

Ang mga single-detached na bahay na nasa burol ang naka-reserve sa mga late comers na tulad nina Andrea.

May tatlong kuwarto ang bahay na pansamantalang titirhan nila sa apat na araw ng nasabing conference. Pinili ni Mrs.Guanzon, ang adviser ng magpinsan, ang nag-i isang kuwarto sa first floor para sa kanila ni Andrea. Ang dalawang kuwartong nasa itaas ay inokupa naman ng mga delegadong galing din ng Western Visayas.

Ang interior design pati ang mga lumang kasangkapan sa loob ng bahay ay walang ipinagkaiba sa bahay na madalas pinagdausan ng shooting ng horror movies. Ang fireplace sa sala ang nagpakumpleto sa eerie feeling na kanina pa namamahay sa dibdib ni Andrea.

“Nakakita na ho ba kayo ng white lady, ma’am?”

“Hindi pa,” kaswal na sagot ni Mrs. Guanzon habang inaayos din ang sariling gamit sa built-in cabinet. “For me, isang alamat lang ‘yan. Karakter na likhang-isip para gawing panakot lalo na sa mahihilig gumala sa gabi.”

Kahit papaano, nabawasan ang kaba ng dalagita.

Alas dos pa lang ng hapon. Tuloy ang pagdatingan ng mga delegates mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Sa gabi pa naman ang opening ceremony kaya nagkayayaan silang mag-boating muna sa Burnham Park.

Saglit na nakalimutan ni Andrea ang takot. Enjoy na enjoy siya sa pamamasyal nila lalo na sa picture taking nila sa Mines View Park.

Napakaganda nga ng Baguio City, sa loob-loob ng dalagita. It is a city which sits atop the Cordillera mountain range kaya kita halos ang kapaligiran sa ilalim at napakalamig pa ng klima.

Mula roon, dumiretso na sila sa mga stores which sell the best Filipino products.

Lalo pang na-enjoy ni Andrea ang first day ng conference dahil sa mga bagong nakilalang high school students mula sa iba’t ibang schools sa buong Pilipinas during the opening ceremony. Ang mga guwapong delegates ay inihiwalay pa niya ng lista sa dala-dala niyang address book. Pasado alas nuwebe ng gabi nang matapos ang programa.

ALL HORROR STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon