CHAPTER 2

10K 234 28
                                    

Ibong itim

Limang taon nang magkasintahan sina Joey at Regine. At sa wakas, naitakda na rin ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

“Wala nang makapipigil sa pagiging Mrs. Joey Franco mo, loves!” matamis ang ngiting sabi ni Joey kay Regine habang kumakain sila sa isang restaurant.

Pilya ang pagkakangiti ni Regine. “Talaga lang, ha? one month pa before our wedding. Marami pang makikitang magagandang babae yang mga mata mo.”

“Hanggang tingin na lang ako sa kanila, no? naka-program na tong puso ko na ikaw lang ang mamahalin habambuhay.”

“Sarap namang pakinggan.”

“At saka, ikaw… papayag ka bang maagaw pa ako sa yo ng iba?”

“Hindi!” walang gatol na tugon ni Regine.

Guwapo si Joey, maganda si Regine. Pareho silang may pinag-aralan at may matatag na hanapbuhay. Napakasuwerte na nga nila sa isat isa kung iisipin.

“Anong oras ang alis mo bukas, loves?” tanong ni Regine kay Joey habang naglalakad-lakad sila sa paboritong park.

“Five in the morning, sisibat na ako!”

“Bakit hindi mo nalang tawagan o sulatan yong mga relatives mo sa probinsiya?”

“Liblib ang lugar nila. Baka naikasal na tayo saka pa lang darating ang sulat. O baka pag minamalas-malas pa hindi na nila matanggap. Wala rin kasing cellphone ang mga iyon. Kailangan talaga ay personal ko silang imbitahan para siguradong makarating. Dapat ay naroon sila sa araw ng kasal natin. Importante sila sa akin. Napakalaki ng naitulong nila sa akin lalo na nung nag-aaral pa ako.”

Ang gulat ng dalawa… isang lalaking taong grasa ang bigla na lamang humarang sa kanilang daraanan!

“Babalutin ng dilim ang inyong pag-ibig!” anitong nanlalaki ang mga mata. “Kikidlat ng dugo at lulunurin ang inyong mga pangako! Luluha ng tinik ang mga anghel ng pag-ibig at duduruin ang marurupok ninyong mga puso!”

Kilabot na nagkatinginan sina Joey at Regine.

Hindi nila alam kung ano ang mararamdaman.

Dinuro ng taong grasa si Joey. “Kumapit kang mabuti sa katig ng pag-ibig! Kung hindi ay malulunod ang puso mo sa dagat ng mga luha!”

Paika-ika ngunit mabilis nang tumalikod ang taong grasa. Puno ng takot ang mga mata ni Regine. “Loves…” “Ssssh! Hes just a crazy man.”

“Pinsan!” tuwang sigaw ni Joey sa nagsisibak ng kahoy na si Lando. Kadarating pa lang niya sa probinsiya at hindi magkandadala sa mga bitbit na pasalubong.

Saglit na kinilala pa siya ni Lando. “Aba?! Joey! Lintek na… ang pogi mo lalo ngayon ah!” masayang bati nito sabay tawa nang malakas.

Mahigpit na nagyakap ang magpinsang matagal na panahon na ring hindi nagkita.

“Kumusta ka na, insan?!” tanong ni Joey.

“Eto, binata pa rin hanggang ngayon! Ikaw… kumusta ka na?!” Humantong sa hapag-kainan ang kumustahan.

“Malapit na akong ikasal,” balita ni Joey. ” Kaya nga ako naparito ay para imbitahan kayo. At hindi ako papayag na wala kayo roon.”

“Maaari ba namang hindi kami dumalo roon,” ani Tiyo Gardo. “Oo nga, pinsan,” segunda ni Lando.

“Buti ka pa, Joey… ikakasal na,” ani tiya Marta. “Sabik na kaming magkaapo pero ito atang si Lando eh wala nang balak mag-asawa.” Mayamayay nag-iinuman na sa balkonahe ang magpinsan. “Mga one week ako rito, insan. Masarap dito eh. Presko,” sabi ni Joey.

ALL HORROR STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon