CHAPTER 31

3K 69 0
                                    

(  SaviouR  )

Si Nanay Rosa ay may tatlong taon na ring biyuda. Sa kasamaang palad ay hindi sila pinalad na magkaroon ng anak ng asawang si Mang Pedring.

Namatay si Mang Pedring sa sakit na asthma, sakit na nagpahirap rito sapul pagkabata pa lang. Ilang taon ding namasukan si Mang Pedring sa isang pabrika sa Malolos Bulacan. Pagawaan iyon ng papel.

Nang mamatay si Mang Pedring ay may nakuha namang monthly pension ang kanyang beneficiary na si Aling Rosa.

Minsa'y sinulatan ng bangko si Aling Rosa. Tinanong ito kung nais nito na padaanin sa ATM ang pension na kokolektahin kada buwan. Subalit dahil sa matanda na at hindi rin nakapag-aral ay hindi pumayag ang matanda Katwiran pa nito'y hindi rin naman siya marunong gumamit ng ATM machine.

Hanggang sa kasalukuyan ay over the counter sa bangko kung kumolekta ng pension si Aling Rosa. Sa petsa ng kamatayan ng asawa, buwan-buwan ay nagtutungo ng bangko si Aling Rosa.

Isang thrift bank na one ride lang mula sa tirahan ni Aling Rosa ang kinukuhanan nito ng pension. Siya mismo ang kumukuha ng pension dahil wala rin siyang maaaring mapagkatiwalaang mautusan.

Pilit na pinagkakasya ng matanda ang natatanggap na pension sa kanyang pansariling gastusin. Sa puntong iyo'y nakabuti na rin ang kawalan nito ng anak dahil sarili lang ang kailangan niyang itaguyod.

At muling dumating ang araw ng pagkolekta ni Aling Rosa ng pension. Maagang gumayak ang matanda upang tumungo sa bangko. Paglabas ng bahay ay saglit natigilan ang matanda.

"Ay pambihira! Naiwan ko ang aking libreta de banco. Naku kahirap talagang tumatanda.. .makakalimutin na."

Muling binuksan ng matanda ang ipininid nang padlock ng pinto ng bahay. Nagbalik sa loob at kinuha ang libreta de banco.

Bitbit nitong muli ang maliit na bag na sa tuwina'y dala ng matanda saan man magpunta. Muling ipininid ang seradura ng pinto. Ngunit bago pa makalayo ay muling nahinto sa paghakbang ang matanda.

"Aba teka.. .ang salamin ko ba'y nadala ko?"

Binuksan nito ang dalang bag at siniyasat ang loob nito. Pagkuwa'y napatapik sa noo si Aling Rosa.

"Ano banamang buhay ito, oo!"

"Hay naku, Pedring! Ako yata'y nagiging ulyanin na. Lahat na lang nakakalimutan ko. Kaaga ko pa namang gumayak iyon pala'y tatanghaliin din ako sa pagparoon sa bangko."

Walang nagawa ang matanda kundi muling magbalik sa loob ng bahay. Nang sakay na sa wakas ng tricycle si Aling Rosa, walang anu-ano'y nakarinig sila ng pagsabog.

"Ano'yon?"

"Naku, Inang, sumabog ang gulong ng tricycle ko. Pambihira!"

"Ha? Ay santisima ako 'ata'y talagang minamalas sa araw na ire! Aba'y paano ngayon ito? Paano ako makararating sapupuntahan ko?"

"Pasensiya na ho. Maghintay na lang kayo ng darating na tricycle at lumipat kayo ro'n, 'Nang."

Wala nang nagawa pa si Aling Rosa. Ilang minuto pa ang hinintay niya bago may dumaang tricycle na walang sakay. Saka lang nakaalis ang matanda.

Pagdating sa bangko ay ibig mapapalatak ng matanda. Maraming tao at tiyak na matatagalan siya sa pagkuha ng pension.

Kilala na si Aling Rosa ng mga empleyado roon. Lalo na ang teller na laging kinukunan nito ng pension. Agad sumenyas ang teller kay Aling Rosa. Sinabing maghintay lang ito at sesenyasan na lang kapag puwede na.

Sa isang upuan doo'y naghintay si Aling Rosa kasama ng iba pa. Less than ten minutes nang pumasok doon si Aling Rosa ay pumasok ang apat na lalaki. Puro nakasuot ng pormal. Sa mga ito nga napatingin ang mga naroroong naghihintay.

ALL HORROR STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon