CHAPTER 16

3.9K 93 1
                                    

( Filomena )

ILANG araw na lang at 50th wedding anniversary na nina Ben at Filomena. Masasabing wala na silang mahihiling pa sa buhay. Mayaman sila sa lahat ng bagay — sa pagmamahal, sa pera, sa anak, sa apo. Lahat sa buhay nila ay nasa magandang kalagayan.

“Napadalhan mo na bang lahat ng imbitasyon ang mga kamag-anak natin at mga kaibigan, sweetheart?” tanong ni Ben kay Filomena habang inaasistihan siya nito sa paghuhubad ng suot na amerikana.

“Yes, sweetheart,” matamis ang ngiting tugon ni Filomena.

Pakakasal silang muli sa simbahan. At halatang hindi mapagkatulog si Filomena dahil doon.

“Excited na ako, sweetheart. Ganitung—ganito ang feeling ko noong una tayong ikakasal,” anito kay Ben. Noon ay magkatabi sila sa kama.

“Pareho lang tayo, sweetheart,” sabi ni Ben, na ibinilanggo sa mga bisig ang asawa saka hinagkan.

Masaya ang pagsasama ng dalawa. Ang kahanga-hanga, higit pa sa kanilang buhay ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

FIFIETH wedding anniversary nina Ben at Filomena. Ang mga abay ay ang kanilang mga anak. Kasama rin sa entourage ang mga manugang nila. Ang dalawang apo naman ang flower girl at ring bearer.

“Ang saya-saya ko,” ani Filomena kay Ben habang nasa harap sila ng altar at hinihintay ang pagsisimula ng wedding ceremonies.

“Pareho lang tayo, sweetheart.”

Napatawa si Filomena. “Lagi na lang pareho lang, sweetheart ang sinasabi mo.”

“Siyempre! Minsan na tayong pinag-isa, diba? Ang nararamdaman mo’y nararamdaman ko rin. Ngayo’y bibigkisin na naman tayo kaya’t baka sa isip pa lang ay magkaintindihan na tayo.”

Tumikhim ang pari para kunin ang atensiyon ng dalawa na tila sila lang ang tao sa simbahang iyon.

Nagsimula ang seremonyas. Nakapaloob sa misa ang muling pag-iisang dibdib. Humaplos sa damdamin ng mga saksi sa kasal na iyon ang sinabi ng pari sa huling bahagi ng seremonya.

“Kamatayan lang ang makapaghihiwalay sa inyong dalawa,” anang pari habang binabasbasan sina Ben at Filomena.

Inulit ni Filomena ang sinabi ng alagad ng Diyos.

“Kamatayan lang ang makapag hihiwalay sa iyo sa akin,” anas.

Matapos ang kasal ay isang masaganang tanghalian ang kasunod. Sa isang kilalang hotel ang handaan. Halos kasintaas ng mag-asawa ang cake na iniregalo ng mga anak.

“Saan ang honeymoon?” biro ng isa nilang kaibigan.

“Sa Baguio,” masayang sagot ni Ben.

“At naku, Tito, ayaw pumayag ni papa kungdi siya pa rin ang mag-drive paakyat ng Baguio. Gagawan daw nila ng re-enactment ang first wedding nila,” ani Julius, panganay ng mag-asawa.

Hindi nga pumayag si Ben na ipagmaneho sila ng kanilang driver. Aniya ay malakas pa siya at bakit nga hindi ay praktisado ang katawan niya sa araw-araw na pagda-drive patungo sa opisina at sa bahay nila na nasa suburb ng Maynila. Alaga rin niya ang katawan sa ehersisyo kaya malakas talaga ang kanyang resistensiya. Pero hindi siya nakatanggi nang pasamahan sila ng mga anak sa isa sa driver ng mga ito. Hindi man ito ang nagmamaneho ng kanilang kotse ay nakasunod naman ang dala nitong sasakyan habang paakyat sila sa City of Pines.

“Sa Baguio rin tayo nag-honeymoon noon, di ba?” ani Ben habang minamaneho ang kotse.

“Puwede ko bang makalimutan iyon.”

ALL HORROR STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon