CHAPTER 17

3.3K 62 3
                                    

( Laruang Bisiro )

“Anong kilabot ang hated ng LARUANG BISIRO?”

Kailanman ay di ako naging mabuting asawa. Di ko matanggap na maaga ako nakasal (dahil na rin sa sariling kagagawan). Pinagmamalupitan ko ang aking asawa kahit noong siya’y buntis pa. Nariyan na ako’y nasa inuman habang ang asawa ko ay walang makain. Hindi ko man lamang siya napa-check-up kahit isang beses.

Naging malaking dagok din sa akin nang iluwal ang aming anak na may sakit na hydrocephalus. Di ko matanggap ito. Ni ayaw kong kargahin ang bata.

Tinulungan kami ng aming mga magulang na ipagamot ang bata. Malaking ginhawa na rin kahit papaano na lumagpas sa dalawang taong taning ang aming anak.

Kahit papano ay natutuhan ko na rin siyang mahalin. May punto sa buhay ko na sinisisi ko ang sarili ko dahil kung napa-check- up ko lang ang aking misis, baka hindi ito nangyari sa anak namin.

Nang ako ay magkatrabaho ay ibinili ko siya ng laruang bisiro na inuuga-uga. Walang labis na kasiyahan ang idinudulot sa akin nito habang nakikita ko ang aking anak na nakasakay doon at tawa nang tawa. Kahit papaano nabawasan ang sakit na nadarama niya.

Nahihirapan siyang magsalita. Pero kapag gusto niyang maglaro ay itinuturo lang niya ang laruang bisiro at nauunawaan ko na ito.

Lumipas ang ilang buwan ay binawian siya ng buhay. Isang bagay na masakit sa kahit sinong magulang. Sa araw ng kanyang burol ay lagi akong umiiyak.

Habang ako ay nasa loob ng bahay at umiinom ng alak dahil sa kalungkutan ay nalaglag ang laruang stuff toy na lagi niyang yakap habang siya ay natutulog. Kinuha ko ito at niyakap. Nagulat ako nang marinig ko ang bilang na bilang niyang tawa habang kasama ako. Iyak ako nang iyak at kahit nakakaramdam ng kaunting takot ay iwinaksi ko ito sa aking isipan. Narinig kong muli ang tawa niya at paglingon ko ay umuuga ang laruang bisiro.

Agad akong lumapit at niyakap ko ang laruan. Humingi ako ng tawad sa mga pagkukulang ko bilang isang ama. Alam kong kahit paano, magiging maligaya na siya sa bagong daigdig na kanyang pupuntahan.

Wakas!

ALL HORROR STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon