0.5 | Prologue

1.5K 36 0
                                    

Prologue:

-

KNIGHT
:

"Hoy kuya yung bag ko!" sigaw ng isang babaeng hinablutan ng bag ng kasama kong si Mac.


Mabilis na tumakbo si Mac pero agad siyang hinabol nung babae. Hindi siya nito tinigilan hangga't hindi naibabalik ang bag.


"Mac naman ang bagal mo kumilos! Isang babae lang hindi mo pa matakasan? " Bulong ko sa sarili.


Napahampas ako sa noo ko at napilitang lumabas sa mga matatayog na damo kung saan ako ngayon nagtatago. Kahit kailan naman talaga 'tong si Mac napaka kupad kumilos, daig pa ng babae!


Tumakbo ako papunta sa direksyon niya at sinalubong siya, akala ng mokong ay tutulungan ko siya pero nagulat ito ng iharang ko ang mga paa ko sa daan na naging dahilan para tumalsik siya at humalik sa kalsada ang mukha niya.



"F#ck!" naiinis na sabi nito habang hinihimas ang nasugatan niyang panga. Oh sinong tanga? That's his reward for being the king of clumsiness!



Dinampot ko yung bag at saktong dumating naman yung babae, naghahabol ito ng hininga pero napangiti siya nang makitang nakahandusay na sa kalsada yung humablot ng bag niya. Napatingin ang babae sakin at nabakas ko sa mga mata niya ang pasasalamat.





Okay, Mali siya ng iniisip...




"Thanks" mahinang sabi nito at lumapit sakin para bawiin yung bag.


As if I'm going to return it her? Lmao.



Itinaas ko yung bag at nakita kong naguluhan siya sa ginawa ko.



"Akin na." seryoso nitong sabi habang direktang nakatingin sa mga mata ko. Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya. But I just looked at her coldly. Wala akong balak ibalik sa kanya 'tong bag na' to, okay?





"Akin na sabi eh!" iritableng wika nito at pinilit talunin 'yung bag pero hindi niya ito nagawa dahil mas matangkad ako sa kanya.





Napangiti ako dahil sa pumasok na ideya sa isip ko na maaring maging dahilan para tigilan niya na ang pagbawi dito sa bag.





Teka, Ano kayang laman nito?



"Miss, can I ask you? Why you're so interested with this bag?" tanong ko sa kanya na ikinabigla niya. Pero kaagad din niya itong binawi at ibinalik ang composure niya.




Tinaasan niya ako ng kilay at kaagad umisip ng isasagot.




"Abnoy kaba? Siyempre bag ko 'yan!" sagot nito habang pinanlilisikan ako ng mata. Grabe! Natatakot ako, huhu help me!



"Sure ka? Talagang bag mo 'to?" tanong ko muli sa kanya pero napairap na lang siya sakin dahil sa inis.



"Eh bakit parang hindi naman bumabagay sayo?" wika ko na naging dahilan para maging concious siya sa sarili niya at sa suot niya.




Magulo ang damit ng babaeng kaharap ko, hindi rin naman sumisigaw ng karangyaan ang itsura niya plus gulo-gulo pa ang buhok niya. Hmmm. Kaya naman isang tanong para sakin kung bakit may ganito siya kagarang leather bag? Tiyak na mamahalin ito, at kung pagbabasehan ko ang itsura niya, sa tingin ko ay hindi niya afford bumili ng ganitong karangyang bag.




WIZ AND THE REBELS (Defying Trilogy #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon