Chapter 26: Furious Seya

133 8 2
                                    

YARAH
;

Kakatapos lang namin nila Crimson at Scarlet mag-kwentuhan tungkol sa mga buhay namin, mas nakilala ko sila at ganun din naman sila sakin. Medyo napahaba ang mga napag-usapan namin kaya nakalimutan ko tuloy ang bilin sakin ni Kuster. I tried to communicate him pero hindi na siya sumasagot, marahil ay tulog na ‘yon. Hmm, ano ba kasing gusto niyang sabihin?

“Girls saan banda c.r?” tanong ko habang busy ang kambal sa pag-aayos ng higaaan nila. Seriously magtatabi sila sa isang deck? Baka malaglag si Crimson dahil siya ang nasa edge. Talagang kambal sila dahil hindi sila mapaghiwalay, ako ang nahihirapan sa kanila eh. Nakapagpalit narin kami ng damit na pambahay dahil kanina ay mga naka-gown kami dulot ng pagdalo namin sa Night Ball ng Thylomac High.

“Naiihi na kasi ako” dagdag ko pa. Napatingin si Crimson sa akin at tumayo sa higaan nila.

“Tara samahan na kita” wika nito sa akin. Agad akong sumunod sa kanya sa labas ng kwarto namin at naiwan si Scarlet mag-isa sa loob.

Hindi na muna kami maaring bumalik sa normal na buhay namin ni Kuster, nadispatya man namin si Lemaitre at nabuko ang kidnapping sa Thylomac High ay nasisigurado kong hindi pa tuluyang natapos ang misteryo, natitiyak kong may natitira pang mga kasabwat si Sir Lemaitre kaya hindi kami magiging ligtas kapag kumalas na kami sa grupong ito at bumalik sa dati naming buhay. Afterall wala narin namang mawawala samin, pareho lang naman kami ni Kuster na wala ng natitirang pamilya kaya wala ring mag-aalala samin kung sumama at umanib man kami sa mga rebelde na ito.

Binaybay namin ang daan pababa sa second floor, ngunit napansin namin na bukas na ang pinto ng isang kwartong nadaanan namin. Nagkibit balikat na lamang kami ni Crimson at hindi ito pinansin. Tulog na kaya talaga ang mga boys? Hindi ko na talaga ma-communicate si Kuster eh, siguro kanina pa ako hinihintay nun.

“By the way Crimson, nasaan pala si Seya?” usal ko ng marating na namin ang comfort room, ang laki kasi ng hideout nila, biruin mo 3 story building. I wonder kung nalibot na nila lahat ng parte nito sa sobrang laki.

“For sure nasa office niya ‘yon. Pinapagplanuhan ang mga maaring susunod natin na misyon.” Sagot ni Crimson at pumasok na kami sa loob ng c.r, naghilamos si Seya sa sink habang ako ay nagtungo na sa isang cubicle para umihi, kanina pa ako nagpipigil eh.

-

CRIMSON
;

Sa totoo lang hindi ko alam kung anong isasagot sa tanong ni Yarah, i just know na laging nasa office niya si Seya but about what she’s doing, I’m totally unaware or should I say we’re not totally aware of it. Ni hindi pa nga namin siya nakasama sa iisang kwarto ni Scarlet eh. She’s distancing herself from all of us at parang limitado lang sa parte ng buhay niya ang binubuksan niya sa amin.

Lumabas na si Yarah sa cubicle at namasdan ko ang repleksyon niya sa salamin. Lalabas na sana kami ng comfort room ng isang malakas na lagabog ang narinig namin.

“Ano ang ingay na iyon?” tanong ni Yarah at kaagad pumutok ang kusyosidad sa utak ko.

“Galing sa itaas” sagot ko at agad kaming tumakbo papaakyat ng 3rd floor. Namasdan namin si Seya na sa gitna ng pasilyo at galit itong nakatingin sa tatlong lalaking nakalutang sa ere. It’s Galen, Kuster and Mac, nahihirapan na silang huminga dahil parang hawak sila ni Seya sa leeg.

“Now you have discovered it, face the consequences” galit na wika ni Seya sa kanilang tatlo.

“Seya anong ginagawa mo?!” sigaw ko kaya agad napansin ni Seya ang presensya namin ni Yarah. Napangiti ito sa direksyon namin at agad umakyat ang takot sa buong katawan ko. Naramdaman ko nalang na sumikip ang aking paghinga at unti-unti kaming lumutang din sa ere.

WIZ AND THE REBELS (Defying Trilogy #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon