CRIMSON
;Agad kaming pinaputukan ng Scelestus Gang ng mga baril nila pero mabilis na umilag ang bawat isa sa amin. Tumalon ako sa likod ng sofa para makapagtago. Nag-teleport naman si Knight at Seya patungo sa ibaba para harapin 'yong iba pang gang na kaalyansa nitong mga madaya na ito. Hindi sila sumunod sa batas ng Gang Rivalry. Tss! They should be in the bars right now dahil natalo namin sila. Well, what should we expect sa mga taong tulad nila na mas gugustuhin nalang na mamatay kaysa ang makulong.
Nasa tabi ko ang kakambal kong si Scarlet, nandito kami sa likod ng sofa habang sina Yulo, Finn at Siren naman ay nilalabanan 'yong Scelestus Gang sa pamamagitan ng mga electric guns nila. Gulong-gulo na ang common room dahil sa pagpapaulan ng bala ng mga kalaban.
Tumutulong naman sila Kuster, Yarah, Galen at Mac sa paglaban sa mga miyembro ng Scelestus Gang. Habang kami ay nandito sa likod ng sofa, nagtatago.
How great we are! We should help them too!
Nakita kong itinaas ni Galen ang mga kamay niya at biglang lumakas ang hangin sa buong common room dahilan para ma-out balance 'yong ibang mga kalaban. Ginamit nila Yulo at Finn ang pagkakataong iyon para barilin ang mga kalaban na natumba, agad nangisay ang mga ito dahil sa pagtama ng electric gun.
Wait, kailan pa si Galen natutong mag manipulate ng weather condition? Kinda cool!
Binunot ko ang pocket knife sa tagiliran ko, ganun din ang ginawa ni Scarlet. Ito lang kasi ang tanging armas na mayroon kami, sana lang makatulong.
Inihagis ko ang pocket knife sa direksyon ng lalaking dapat sanang babaril kay Siren, may nilalabanan din kasi siya kaya hindi niya ito napansin. Tumama ang pocket knife sa braso ng lalaki, kaya nabitawan niya ang baril niya. Napatingin siya sa direksyon ko. Shit! Nakita niya ako. I commanded the pocket knife na bumalik sa akin at isang iglap ay nasa kamay ko na ulit iyon.
Muli akong tumingin sa direksyon ng lalaki na nasugatan ko sa braso pero wala na siya doon. Nakita ko nalang na nasa harap na pala namin ito ni Scarlet. Shit! Ang bilis naman niyang kumilos!
Bago pa man niya makalabit ang gantsilyo ay inihagis ko sa kanya ang pocket knife ko, tumama iyon sa leeg nito kaya agad siyang nabuwal at nawalan ng malay.
Sorry but not sorry dude. *smirk*
Tumayo kami ni Scarlet at iginala ang tingin sa paligid, nakahandusay na sa lapag ang lahat ng miyembro ng Scelestus Gang, kung hindi patay ay walang malay an g ilan sa kanila. Gumuhit ang ngiti sa labi ko, tss! Nasaan na ngayon ang nagsabing nagkamali kami ng kinalaban? HAHA, they should have said that line to themselves. Nakita ko ang mayabang na leader ng Scelestus Gang na walang malay sa gilid at may dugo sa noo. Pinigilan ko lang ang sarili ko na matawa, tumba rin naman pala agad ang isang 'to eh! Well, minsan na naming natalo 'yan, so it's not surprising anymore.
"Guys, it's not over," wika ni Siren ng tumanaw siya sa bintana. Agad kaming pumunta doon at nakita namin sa baba si Knight at Seya na nakikipaglaban sa halos tatlumpong tao sa kalsada. Iba't iba ang mga damit ng mga ito, may grupo ng mga naka-kulay pula, may mga naka-kulay asul at dark green. So iba-iba talagang gang ang lumusob sa amin. Itong mga natalo namin ay ang Scelestus Gang, ngunit hindi pa pwedeng magsaya dahil marami pa sila.
Agad kaming nagsitakbuhan paibaba para tulungan sila Knight at Seya. Nauna naman si Mac dahil sa super speed ability niya, si Kuster naman ay nag-teleport.
"Scarlet, Siren, Kuster, and Yarah, 'yong Rotten Flesh Gang ang sa inyo!" wika ni Knight.
"Rotten what? Sino sila sa mga ito?" tanong ni Scarlet.
"Mga naka-green shirts," Knight answered at pinatalsik sa gilid 'yong isang naka-red na susugod sana sa kanya. Hinarap naman na nung apat 'yong mga Rotten Flesh Gang na in-assign sa kanila ni Knight. His leadership is noticeably commendable.
BINABASA MO ANG
WIZ AND THE REBELS (Defying Trilogy #2)
FantasyRevenge leads them to become a rebel. Extraordinary teens that fights for equality. - Highest Ranking Achieved: • #107 in Powers • #321 in Revenge Note: Don't read of you haven't finish with 'GENIUS IN A GANG' this book is a sequel.