Chapter 24: Fall Of Secrets 2

135 10 2
                                    

YARAH
;

Agad kaming nagtungo sa restricted building habang pinipilit parin ni Knight na patigilin ang oras, sumalubong sa amin ang masangsang na amoy na galing sa mga drum container na nagkalat dito sa ground floor. Sigurado akong katawan ng mga estudyanteng pinag-ekspirementuhan nila Sir Lemaitre ang laman ng mga iyon. Talagang ipinagbabawal ang pagpunta ng mga estudyante dito sa restricted building dahil tadtad ito ng mga security guards, pero ang ipinagtataka ko, ano ang binabantayan nila?

Dahil sa kuryosidad na namayani sa akin bilang Presidente ng Student Council ay dinala ako ng aking mga paa dito isang gabi noong nakaraang linggo para imbistigahan kung ano nga ba ang kailangan bantayan sa lugar na ito. Doon kami unang nagkita ni Kuster, napag-alaman kong miyembro siya ng Journalism club.

Gusto niyang alamin ang lihim sa building na ito at nais niyang i-publish ang mukukuha niyang impormasyon sa pahayagan ng Thylomac High para magbigay linaw sa mga tanong ng mga estudyante. Mabilis kaming nagkasundo ni Kuster dahil pareho kami ng misyon at nais malaman sa lugar na ito, doon kami nagsimulang magtulungan. Itinakas namin ang katawan ni Jackson mula sa isang drum container na pinaglagyan sa kanya. At dinala nga namin siya sa gitna ng gubat para imbestigahan, umayon samin ang tadhana dahil may nakita kaming isang bahay na abandonado, iyon ang ginawa naming hideout ni Kuster para imbistigahan ang katawan ni Jaskson.

Pero hindi ko lubos akalain na katulad ko rin pala siyang may naiibang abilidad na wala ang isang ordinaryong tao. Na-diskubre ko iyon noong may makalaban kaming mga mangangaso sa gubat. Bukod sa misteryo na nangyayari dito sa Thylomac High ay gusto rin naming malaman kung bakit kami nagkaroon ng mga abilidad na taglay namin ngayon .

Ang kagustuhan naming iyon ay ang nagtulak samin para hanapin ang mga rebeldeng pinamumunuan ni Seya. Ngayon ay magtutulong-tulong kami para tuklasin ang dahilan sa pagkawala ng ilang mga estudyante dito sa Thylomac High at kung anong ginagawa sa kanila.

“Let’s go to the 3rd floor.” Wika ni Kuster dahil doon namin nakita ang ilang mga estudyanteng nawala, nakalagay sila sa mga capsule at may mga tubo sa mga ulo nila.

Agad naming inakyat ang hagdan patungo sa 3rd floor dahil sira ang dalawang elevator dito sa restricted building. Nang marating namin ang 3rd floor ay bumulaga sa amin ang mga machines na hindi namin alam kung paano gumagana at mga capsules na naglalaman ng mga walang malay na mga estudyante. Si Charie, ang secretary ng Student Council ay kabilang sa mga ito.

“Good Lord! Anong ginagawa sa kanila?” wika ni Crimson na nilamon narin ng kuryosidad.

“Iyan din ang tanong na nais naming malaman Crimson” sagot ni Kuster sa kaniya at agad kaming naghiwa-hiwalay para usisahin ang mga capsules. May lamang tubig ang mga capsules, hindi ko alam kung anong chemicals ang mayroon sa tubig na iyan at kung ano ang ginagawa ng machine na iyan sa mga katawan nila.

“What now?” tanong ni Galen at napatingin kaming lahat sa kanya.

“Ano kaya kung turn-off natin ang mga capsules?” suhestiyon ni Mac at akmang pipindutin na ang patayan ng mga capsules.

“Stop that Mac, buhay nila ang nakataya sa gagawin mo” wika ni Galen at pinigilan si Mac sa gagawin nito.

“Kapag pinatay mo ang mga capsules, maaring hindi na magising ang mga estudyante” saad ni Galen sa posibilidad na maaring idulot ng aksyon na gagawin ni Mac. Sang-ayon ako sa sinabi niya.

“Okay, so anong gagawin natin?” aniya ni Mac at lumayo na sa isang pindutan na pakiwari niya’y patayan ng lahat ng mga capsules.

“No, sige Mac patayin mo na ang mga capsules” sabat naman ni Seya at lahat kami ay napalingon sa kanya. Is she serious? Alam niya ba ang kakalabasan sa inuutos niya?

WIZ AND THE REBELS (Defying Trilogy #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon