Chapter 23: Fall Of Secrets 1

131 10 0
                                    

KNIGHT
;

Nakarating kami sa Thylomac High dahil sa paghi-hypnotize ni Kuster sa mga driver ng taxi na sinakyan namin.

Yes, sabay niyang kinontrol ang mga isip nila, how aweful right? Pero kawawa ‘yung mga driver dahil malamang ay nagtataka na sila ngayon kung bakit napunta sila sa labas ng Thylomac High ng hindi nila namamalayan.

“Remember what I said?” wika ni Yarah habang pinagmamasdan namin mula sa malayo ang gate ng Thylomac High kung saan pumapasok na ang ibang mga estudyante na handa na para sa gaganaping night ball. Ala-singko na sa relo ko at isang oras nalang bago magsimula ang ball.

“Act normal” sagot ni Galen na inaayos ang necktie niya. Kahit lisensyadong pulis ito si Galen bago siya mapabilang sa grupo namin ay hindi mo siya mapapaghalataang nasa mid-20’s na. Siguro dahil sa amo ng mukha niya at mukha talaga siyang bata tingnan. Magsingtangkad kami pero mas matanda siya sa aming lahat.

“Okay, move” pagbibigay senyas ni Kuster para pumasok na kami sa loob ng Thylomac High. Napagkasunduan namin na dala-dalawa ang papasok, at mahuhuli ako dahil pito kami. Nauna sila Yarah at Kuster na sinundan naman nila Crimson at Galen. Ng tuluyan na silang makapasok ay sumunod naman sila Mac at Scarlet. Mukhang hindi pa magkasundo ang dalawa dahil mainit ang ulo nila sa isa’t isa, hanggang sa ako nalang ang hindi pa nakakapasok sa loob ng Thylomac High.

Napabalikwas ako ng may kamay na pumulupot sa braso ko. Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang mga ngiti niyang nakakaloko.

“Jusko naman Seya, akala ko naman kung sino” singhap ko dahil hindi maalis ang ngiti sa mga labi niya. Pinagmasdan ko ang suot niya, saan naman niya kaya ninakaw ang isang magarang gown na ‘yan. On the side note, ang ganda niya sa suot niya. Kulay pula ito na off-shoulder at talagang bumagay sa kanya ito.

“Hoy! Knight! Anong tinitingin-tingin mo diyan? Tara na sa loob” wika niya kaya muli akong bumalik sa sarili ko dahil mukhang napasarap yata ako sa pagtitig sa kanya. Napatampal ako sa noo ko dahil sa mga iniisip ko.

“Akala ko ba hindi ka sasama?”

“Ang dami mong dama, tara na sa loob” wika nito at hinila ako patungo sa loob ng Thylomac High. Muli siyang humawak sa braso ko ng makapasok na kami at agad kaming nagtungo sa Building 4 gym kung saan gaganapin ang ball, base sa instruction samin nila Kuster at Yarah.

Agad kaming pumasok sa gym kasabay ang ilang mga estudyante ng Thylomac High, wala paring nakakakilala samin bilang mga outsider, nakita ko sila Yarah Kuster kasama ang ibang miyembro sa tabi ng mga wines. Nagtungo kami sa kanila at nagulat din sila dahil kasama ko na ngayon si Seya.

“Oh? Nagbago yata isip mo Seya” pambubuska ni Mac dahil sa pag-iba ng ihip ng hangin.

“Shut up Mac, or I’ll turn your body to ashes” pagbabanta ni Seya, agad namang tumiklop si Mac dahil sa mga matatalim na tingin na ibinigay sa kanya ni Seya.

“So what’s the plan?” pag-iiba ni Seya sa topic. Wew, nakakapanibago lang dahil siya na ngayon ang humihingi ng instructions, samantalang dati siya ang umiisip ng mga plano ng grupo.

Naramdaman kong napahigpit ang hawak niya sa akin, napapikit ako sa sakit at nakatanggap naman ako sa kanya ng isang pilit na ngiti. “Tumigil ka, ang ingay na utak mo” pabulong niyang wika sakin at napatango naman ako sa kanya. Grabe, ang sadista.

“Mamaya na tayo, kikilos dahil hindi pa nagsisimula ang program. Pero once na unconcious na ang lahat, tsaka tayo paisa-isang lalabas dito sa gym papunta sa Restricted Building.” Wika ni Kuster sa isang mahinang boses.

In-occupy na namin ang dalawang table. Since walo kami, tig-apat sa isang table. Kami nila Seya, Galen at Crimson ang magkakasama sa isang table at sila Yarah, Kuster, Mac at Scarlet naman sa isang table malapit sa amin. Medyo dim ang ilaw kaya hindi naman kami masyadong makikilala.

WIZ AND THE REBELS (Defying Trilogy #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon