Chapter 22: Thylomac High

141 10 0
                                    

KNIGHT
;

Dito sa hideout nila Yarah at Kuster na muna kami nakitulog base narin sa napagkasunduan namin ng grupo. Medyo malayo kasi kung lalakarin ang hideout namin mula dito, tapos ay iniwan pa kami ni Seya na may tanging abilidad sa amin sa pagteteleport. Yes, I discovered my teleportation ability last week but I don't fully master it so sinabi ko sa kanila na baka kung saan lang kami mapunta kapag pinilit kong mag-teleport pabalik ng hideout.

Tss! Ano kayang problema ng babaeng 'yon, bigla bigla nalang umalis. Siguro ay hindi talaga siya sang-ayon na tulungan namin sila Yarah at Kuster sa paglutas sa nagaganap na misteryo sa paaralan nila, pero bakit?

Kung anuman ang dahilan niya, bahala siya. Basta kami tutulong sa pagbibigay linaw sa misteryong nagaganap sa Thylomac High. Maybe it's the time for us to work without Seya's help. At papatunayan namin sa kanya na kaya din naming kumilos kahit wala siya. Besides, Seya is very decisive. Once she decide, no one can change it.

"So what's the plan?" tanong ni Scarlet na nakaupo sa sofa at inaayos ang sintas ng sapatos niya. Habang kaming mga boys ay nandito na sa dining table at kumakain ng nilutong pancake ni Yarah.

Humugot ng isang malalim na hininga si Kuster bago tuluyang ma-compose ang sasabihin niya. "We're going to enter the school"

"Okay, but how?" tanong naman ngayon ni Scarlet na umiinom ng tea. Mukhang mas prefer nila Yarah at Kuster ang tea kaysa sa kape dahil wala silang stock na kahit anong kape dito sa kusina nila.

"I mean mga wanted kami diba? Tiyak full of security ang school niyo na'yon" dagdag ni Scarlet habang nakatingin kay Kuster.

"Tsk! Kung nandito sana si Seya makakapasok tayo agad dun ng walang kahirap hirap." Saad ni Mac habang hinihiwa ang pancake na nasa platito niya.

"Eh ayaw ngang tumulong, anong magagawa natin? Tino-toyo nanaman yata" usal ko sa tono ng pagkayamot.

"Okay lang Knight posible parin naman na makapasok kayo, may night ball mamaya sa Thylomac High, just wear appropriate attire at hindi na kayo paghihinalaan na outsider" wika ni Yarah at napatango kaming lahat.

"Hindi naman pala magiging ganun kahirap makapasok" wika ni Galen at tinapos na ang pagkain niya. "Yup, just act normal" sagot ni Kuster na nasa tabi ni Yarah.

"Bilisan niyo na diyan at bibili tayo ng susuotin natin" wika ni Yarah at tumutukoy sa pagkain namin. Si Mac nalang naman ang hindi pa tapos kumain eh, napaka bagal talaga kahit kailan.

Matapos naming mag-almusal ay agad kaming umalis sa hide-out nila Yarah at Kuster. Binaybay namin ang daan palabas ng gubat hanggang sa marating namin ang highway. Walang masyadong dumadaan na sasakyan, tahimik ang paligid at ang tanging maririnig mo lang ay ang huni ng mga ibon. Parehong gubat ang kanan at kaliwang gilid ng kalsada kaya wala kang makikita kahit isang bahay na nakatirik dito bukod sa hideout nila Kuster at Yarah na nasa gitna pa ng gubat.

"Huwag niyong sabihing maglalakad tayo hanggang sa bayan?" tanong ni Mac at ipinadaan sa buhok niya yung mga daliri niya. Mukhang pagod na siya sa layo ng nilakad namin mula sa hideout papunta dito sa highway.

"Let's wait" wika ni Yarah na mukhang may iniisip na plano upang mabilis kaming makarating sa bayan.

Maya-maya ay may dumating na isang sasakyan nagulat kami ng bigla itong hinarang ni Yarah, napahinto ito upang hindi mabunggo ang dalagang nasa harap. Kitang-kita namin ang pagkayamot sa mukha nung lalaking nasa loob nito.

"Ano bang problema mo? Gusto mo bang mamatay?!" sigaw nung lalaki sa kotse na sa tingin ko ay mga nasa trenta anyos na. Mukhang mayaman ito base sa gara ng suot niya at mga kwintas na nakasabit sa kanyang leeg.

WIZ AND THE REBELS (Defying Trilogy #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon